LABING-ISANG KABANATA

2.4K 129 20
                                    


Pinapanood niya lang ang nangyayari sa kaniyang paligid. Tinutupok na ng apoy ang buong mansion ngunit nananatili pa rin siyang nakatayo at hindi magawang kumilos mula sa kinatatayuan.


"Guarde todas laspropiedades y no soporta escapar estoquemando un residenciadel alcalde de Londres. ¡especialmente esta mujer!" (Bantayang maigi ang buong paligid at 'wag niyong hahayaang may makalabas pa sa nasusunog na mansiong 'yan. Lalong-lalo na ang babaeng 'yun!)

Rinig niyang sigaw mula sa labas. Nilibot niya ang kaniyang paningin sa buong palapag ng mansion, at nakita ang bangkay ng isang babae na nakahandusay na sa sahig. Hindi niya ito mamukhaan dahil sa dami ng usok sa paligid. Ngunit kahit gano'n, alam niya sa kaniyang sarili na kilala niya kung sino ito.

"U-umalis ka na dito, Carlota! T-tumakas ka na sa l-lugar na ito at m-magpakalayo l-layo," nahihirapang wika ng isa pang babae na ngayon ay nakahandusay na sa lupa. Nasa labas na sila ng mansion at tatakas na sana patungo sa kagubatan, nang bigla na lang natumba ang kaniyang kasama at may tama na ito ng bala. Wala siyang magawa kun'di ang umiyak lang ng umiyak.

"Están allí!" (Ayon sila!)

Nabaling ang kaniyang atensiyon sa mga guardia civil na ngayon ay tumatakbo na patungo sa direksiyon nila. Naikuyom niya na lang ang kaniyang kamay at napayuko.

Sa muli niyang pag-angat ng kaniyang mukha, isang lalaking nakangisi ang ngayo'y matalim niyang tinititigan. Nakasakay ito sa kabayo kasama ang mga guardia civil. Nakatutok ang mahaba nitong baril sa direksiyon niya, kasabay nito ang malakas na alingasaw ng putok ng baril sa buong paligid.

Pero laking gulat niya nang hindi siya ang natamaan kun'di ang isang tao, na siyang sumalo ng bala na dapat ay sa kaniya.




~*~

Habol-habol ni Akira ang kaniyang paghinga at wala na ring tigil sa pagtulo ng butil-butil niyang mga pawis.

Panaginip lang! Ngunit bakit parang totoo?

Napahawak na lang siya sa kaniyang dibdib nang maramdaman ang matinding pagkirot nito. Hindi niya namukhaan kung sinu-sino ang mga taong nasa panaginip niya. Ngunit malakas ang kutob niya na kilala niya ang mga ito. Kilalang-kilala!

Bumangon siya mula sa pagkakahiga at lumabas ng kaniyang silid. Kailangan niyang kalmahin ang kaniyang sarili. Kaya naman, naglakad siya patungong azotea upang doon magpahangin. Kumikirot pa rin ang kaniyang dibdib dahilan para mapahinga siya ng malalim.
Pagkarating niya sa aztoea, sumalubong agad sa kaniya ang malamig na ihip ng hangin. Magha-hating gabi na ngunit hindi mo iyon mahahalata dahil sa liwanag ng buwan at mga bituin.

Umupo siya sa isang silya at pinagmasdan lang ang kalangitan. Napakaliwanag at napakapayapa ng paligid. Malayong-malayo sa kinalakihan niyang mundo sa panahon niya.
Magulo, maingay at maraming krimen ang nangyayari.

Napatawa na lang siya sa naiisip. Nakalimutan niyang isa pala siya sa mga dahilan kung bakit may mga kaguluhang nangyayari sa panahon niya. Nakalimutan niyang, isa pala siyang kriminal at mamamatay tao.

Napapikit na lang siya at dinadama ang pagdaplis ng malamig na hangin sa kaniyang balat. Kahit na mahirap, pinipilit na niya ang kaniyang sarili na kalimutan ang mga masasamang nangyari sa buhay niya sa panahong kaniyang pinanggalingan. Kailangan na niyang magsimula ng panibagong buhay kahit sa panahon pang ito.

"Buenas noches, Binibini. Hindi ka ba makatulog?" (Good evening)

Agad na napamulat si Akira at sumalubong sa kaniya ang nakangiting mukha ni Ginoong Alfredo. May dala-dala itong dalawang tasa ng kape at inaalok sa kaniya ang isa. Napataas na lang ang kilay niya.

The Criminal's LifeWhere stories live. Discover now