DALAWAMPUNG KABANATA

2.3K 116 32
                                    


Kagagaling lang ni Akira sa lugar kung saan parati siyang namamalagi nang mag-isa. Habang siya'y naglalakad pabalik ng mansion ay napansin niya ang isang kalesa na nakahinto sa labas ng tarangkahan. Hindi pamilyar sa kaniya ang kalesang iyon. Sa unang tingin palang ay halata ng mayaman ang nagmamay-ari ng kalesa. Nagkibit-balikat na lamang siya at piniling sa kusina na lang dumaan.

Pagpasok ng kusina ay naabutan niya sina Rosa, Mercedes at Carmen na palihim na sumisilip sa gilid ng pintuan. Napataas naman ang kilay niya sa nakikita at nagtataka rin kung sino o ano ang inuusisa ng tatlo. Kumuha muna siya ng isang baso ng tubig bago sumandal sa mesa at saka humarap sa tatlo na ngayon ay hindi pa rin napapansin ang kaniyang presensiya. Nakikinig lamang siya sa usapan ng mga ito habang umiinom ng tubig.

"Siya ba ang tinutukoy mong bagong guardia civil, Mercedes?" pabulong na tanong ni Carmen habang nakatingin sa direksiyon ng salas.

"Oo, Carmen. Siya ang tinuro sa akin ni Berto," tugon naman ni Mercedes habang tinuturo ang isang binatang guardia civil. Agad na napatingin sa kaniya sina Rosa at Carmen nang nagtataka at sabay tanong, "Berto?"

Tila nahiya naman si Mercedes at parang namumula pa ang kaniyang mga pisngi na lalong ipinagtaka nina Rosa at Carmen. Tumahimik na lamang si Mercedes at ibinaling ang tingin sa ibang direksiyon at saktong nahagip ng mga mata niya si Akira.

"B-binibini, kanina ka pa ba diyan?" gulat na tanong ni Mercedes dahilan para mapalingon din sina Rosa at Carmen. Umayos naman ng tayo si Akira at saka dahan-dahang naglakad papalapit sa kanila na hawak-hawak pa rin ang baso sa kaniyang kanang kamay.

"Sino bang sinisilipan niyo diyan?" usisa niyang tanong sa mga ito. Nagkatinginan naman ang tatlo sa isa't isa at bahagya pang siniko ni Rosa si Mercedes upang ito na ang sumagot.

"Si Gervacio lamang po, Binibini," sagot naman ni Mercedes. Tumango na lamang si Akira bago binalingan ng tingin sina Rosa at Carmen na agad na napayuko. Akmang tatalikod na sana siya nang agad siyang pinigilan ni Mercedes.

"Sandali lamang, Binibini. Pinapasabi ni Ginoong Alfredo na maghanda ka po ngayong araw sapagkat may pupuntahan kayo" ulat ni Mercedes dahilan para tumaas ang kaniyang kilay.

"Saan naman?"

"Marahil ay magtutungo kayo sa Calle Zapalta upang pumili ng magiging kasuotan niyo sa pagdiriwang. Gaganapin na ito bukas ng gabi sa mansion ni Señor Arturo" ani Mercedes.

"Pagdiriwang?" napapaisip na tanong ni Akira habang napapatango. Gusto niyang maranasan kung anong klaseng pagdiriwang ang ginaganap sa panahong 'to. Ngunit hindi niya lang maintindihan ang kaniyang sarili kung bakit masama ang kaniyang kutob.

May mangyayari kayang hindi maganda?, sa isip-isip na tanong ni Akira.

"Binibini?" tawag sa kaniya ni Mercedes na nagpabalik sa kaniyang sarili.

"Nasaan siya?" tanong niya na nagpakunot ng noo ni Mercedes.

"Paumanhin, Binibini, ngunit sino ang iyong-"

"Si Alfredo. Nasa'n si Alfredo?" pagpuputol niya sa sana'y sasabihin nito. Hindi agad nakakibo si Mercedes dahilan para si Carmen na ang naglakas-loob na sumagot sa tanong ni Akira. "Kanina'y nasa silid siya kasama si Señor Felix ngunit ngayon-ngayon lang ay kalalabas lang nila ng mansion."

Agad na binigay ni Akira ang baso kay Mercedes at mabilis na naglakad palabas ng kusina. Tama naman siguro ang pandinig niya na nandito si Felix. Ilang araw na wala siyang balita tungkol dito at hindi niya pa ito nasisingil sa kasalanang ginawa nito sa kaniya. Mababaw mang dahilan pero hindi niya maintindihan kung bakit naiinis siya rito.

Pagkalabas niya nang mansion ay naabutan niya pa si Señor Felix ngunit papasok na ito sa loob ng kalesa. Tatakbo na sana siya para habulin ito nang agad na may humawak sa kaniyang braso dahilan para siya'y mapahinto. Pagkaharap niya'y agad na kumunot ang kaniyang noo dahil hindi niya kilala ang lapastangang pumigil sa kaniya.

The Criminal's LifeWhere stories live. Discover now