P R O L O G O

4.7K 260 27
                                    


"At last, you're finally here.... Akira Crimson." Nakangisi nitong sabi nang matanaw na niya si Akira sa pintuan. May mga mantsa na ng dugo ang damit nito. Sinindihan niya ang kaniyang tabacco saka humithit dito at binuga iyon. Nakadekwatro siyang nakaupo sa isa sa mga bench habang nasa likuran niya ang mahigit sa sampung mga lalaking halos lahat ay nakasuot ng kulay itim na kasuotan.

Naglakad papalabas ng pinto si Akira at sumalubong agad sa kaniya ang malakas na ihip ng hangin sa rooftop. Mahigpit niyang hinawakan ang kaniyang katana at walang emosyon na tinitigan ang lalaking pumatay sa kaniyang pamilya.

Sinundan lang siya ng tingin ng mga ito hanggang sa tumigil siya sa harapan ng lalaki at itinutok ang katanang hawak sa leeg nito. Naging alerto naman ang mga utusan nito at agad siyang pinalibutan at tinutukan ng baril. Tila hindi naman natinag ang lalaki at nakangisi pa itong nakatingin kay Akira na mas lalong dumagdag sa pagkainis niya.


"Tingnan natin kung ano ang mas mabilis. The bullet or the sword?" Saka humithit ulit sa kaniyang tobacco.


"And I'll make sure that it will be my sword."

Yumuko si Akira nang muntik na siyang paluin sa ulo ng isang lalaki at sinipa naman ang isa pa. Umilag siya sa balang muntik nang tumama sa kaniya at sinuntok ito sa mukha. Tumuntong siya sa isa sa mga bench at saka pumatong sa isang lalaki at sinakal iyon gamit ang kaniyang mga paa. Sabay silang natumba pero agad nakabangon si Akira at iniwasiwas ang katanang hawak. Tila natatakot namang sumugod ang iba pa. Pero may isang naglakas-loob na barilin si Akira kaya naman napatakbo siya para iwasan ito.

Nakaupo pa rin ang pinuno nila at naninigarilyo. Pinapanood niya lang ang nangyayari habang hindi mawala ang ngiti sa kaniyang labi. Ganito ang tipo ng taong gusto niyang magtrabaho para sa kaniya. Malakas, maliksi at matalino. Pero kung hindi niya lang naman mapapakinabangan ito, mas mabuti nang mawala na lang ito sa mundo.

Agad na sinipa ni Akira ang isa at sinuntok naman ang isa. Todo iwas siya sa mga atake ng kalaban niya. Nasuntok sa sikmura si Akira dahilan para makaramdam siya ng kirot. Hinawakan niya ang kaniyang katana at sinaksak sa lalaking sinikmuraan siya. Ginawa niya pa itong pangharang nang pagbabarilin siya ng ibang kasamahan nito. Malakas na hinugot ni Akira ang kaniyang katana at dumaloy dito ang dugo na nanggaling sa lalaking ngayon ay nakahandusay na sa sahig at wala ng buhay.

Nabaling ang kaniyang atensiyon sa pinuno ng mga ito na nakaupo at pinapanood lang ang nangyayari. Dahan-dahang naglakad si Akira papalapit dito dala ang katana na puno na ng dugo. Hindi niya nagawang iwasan ang paghampas ng bote sa kaniyang ulo dahilan para dumugo ito. Dumaloy ang kaniyang dugo mula ulo hanggang sa mukha. Nababalot na ng dugo ang kaniyang mukha at maging ang kaniyang damit.

Ginamit itong pagkakataon ng iba at nilapitan si Akira pero napatigil din sila agad ng tinitigan sila nito. Bakas ang takot ng mga ito kay Akira pero naglakas-loob pa rin silang atakehin ito. Iniwasan naman ni Akira ang mga suntok, sipa at hampas ng mga kalaban pero may ilan ding hindi niya nagawang iwasan ang mga pag-atake ng mga ito.

Napaatras na lang si Akira nang sinipa siya sa mukha ng isa at susugod na sana siya nang maramdaman niya ang sakit at hapdi na tumama sa bandang tiyan niya. Hinawakan niya ang kaniyang tiyan at tiningnan ang palad na puno na ngayon ng dugo. Napaatras ulit si Akira nang sunod-sunod siyang pagbabarilin at napaubo na lang siya ng dugo.


Nilibot niya ang kaniyang tingin sa buong lugar, halos lahat ng mga utusan nito ay namimilipit na sa sakit at ang iba naman ay binawian na ng buhay. At nabaling lang ang kaniyang atensyon sa nakatayong pinuno ng mga ito na nakangisi at nakatutok ang baril sa direksiyon niya.

Nakasandal na ang likod ni Akira sa railing ng rooftop at isang tulak na lang at tuluyan na siyang malalaglag. Ginamit niya ring tungkod ang kaniyang katana upang hindi siya tuluyang matumba. Walang tigil sa pagdurugo ang mga sugat niya sa katawan na may mga tama ng bala at maging ang sugat niya sa ulo.

Parang bumagal ang paligid niya maging ang isang bala na papunta na sa direksiyon niya. Wala na siyang nagawa pa at tuluyan na siyang nahulog sa rooftop.


Napatingala siya sa itaas at nasilayan ang bilog na buwan. Matagal niya itong tinitigan habang mabilis na bumabagsak ang katawan niya sa ere. Unti-unti na rin siyang napapapikit dahil sa lakas ng pressure ng hangin at dahil na rin sa pagod at sakit ng mga sugat niya.


Ito na nga siguro ang katapusan ko, bulong niya sa sarili at tuluyan na nga siyang napapikit. Naramdaman na lang niya na malakas siyang bumagsak at nawalan na ng malay.

The Criminal's LifeWhere stories live. Discover now