Chapter 38

424 6 2
                                    

Amara/Celestial Pov

Habang nakatingin ako sa babae na tumawag sa aking Amara ay tumulo na lamang ang aking mga luha.Pinikit ko
ang mga mata ko at bigla ko nalang naalala ang lahat.Ang mga kaibigan ko,ang nakasama ko sa mundo ng mga tao.Naalala ko na silang lahat.

"Princess Celestial"
Dinilat ko ang mga mata ko at hinayaan tumulo ang mga luha ko pababa sa pisngi ko, binagsak ko ang hawak kong espada at mahigpit na niyakap si Blaze.

"I'm s-sorry..."

Nakarinig ako ng mga sigawan mula sa mga tao,nagagalit sila sa akin pero wala na akong pakielam.Sa gitna ng maraming tao naroon kaming dalawa ni Blaze na magkayakap at umiiyak.

"Sorry Blaze"

"Shhh Amara okay lang.Amara may gusto akong sabihin sayo"

"Ano 'yun?"

"Mahal k-"

Habang magkayakap kaming dalawa ay bigla nalang siyang napadausdos sa lupa,marahan ang naging pagkalas niya sa yakap ko.At ng tignan ko siya ay nanghina ako, napaluhod ako at napahagulgol na.

"Blazeeee!Hindi!hindi maaarii"malakas na sigaw ko at sa sobrang galit ko lumabas ang kapangyarihan ko,napuno ng apoy ang paligid.Para bang isa akong dragon na bumubuga ng apoy.Ang sakit sakit,may sumaksak na espada sa likuran ni Blaze at mas lalo pang bumaon yun ng bumagsak siya sa lupa.

"Blazeeeeeeeee"

"Gumising ka!hindi ka pwedeng mamatay"

Habang ang karamihan ay tumatakbo ako ay umiiyak at nagmamakaawa na sana magising na si Blaze.Iyak ako ng iyak at wala na akong pakielam sa iba kung mamatay man sila dahil sa apoy.Galit na galit ako sa mga oras na ito,kumalma lang ako ng dumapo sa balikat ko si Black.

"Amara.Amara tahan na,umalis na tayo rito"

"Hindi Black,hindi ako aalis rito.Hindi ko iiwan si Blaze,wala ng silbi kung mabubuhay pa ko black.Kaya sana hayaan mo ko sa desisyon na gagawin ko"sambit ko.

"Hindi!hindi Amara huwag mong ituloy ang nasa isip mo.Pano ka?pano ang palasyo?"

"Black wala akong pakielam sa kapangyarihan, sa palasyo
ang mahalaga lang naman sa akin ang mga mahal ko sa buhay.Hayaan mo na ko black,nakikiusap ako sayo"pakiusap ko kay black.

"Sige ikaw na ang bahala Amara,palagi mong tatandaan na nandito lang ako para sa inyo,prinsesa''napangiti ako sa sinabi niya."Thank you,Ikaw na ang bahala sa kanila"

Pagkatapos nun ay lumipad na si Black papalayo sa akin,tapos na ang laban at nanalo kami.At buo narin ang desisyon ko,pinunasan ko ang mga luha ko at hinugot ang espada na nakasaksak sa katawan ni Blaze,nahiga ako sa tabi niya at sinaksak ang sarili ko.Hinawakan ko ang kamay ni Blaze ng may ngiti sa labi.

Paalam.

Belle 's Pov

"Belle masasaktan ang reyna kapag nalaman niya"sabi ni Pia na malungkot na malungkot.Nagluluksa ang lahat dahil sa pagkamatay ni Princess Celestial at ni Blaze,sa ngayon wala pang alam ang reyna dahil sugatan ito.Ang hari naman kanina pa hindi kumakain.Nang malaman niyang pinatay ni Celestial ang sarili niya ay iyak ng iyak ang hari.Marami narin ang dumadalaw.

"Alam ko Pia pero wala na tayong magagawa pa"sagot ko at inayos ang mga bagong puting rosas sa kabaong ni Princess Celestial at ni Blaze.

"Hindiiiiiiii!huwag nyong sabihin sa akin 'yan.Buhay ang anak ko,ligtas sya"rinig naming sigaw ng reyna,tumakbo naman agad si Pia para pumunta sa kwarto ng reyna halos lahat kasi ng kaibigan nila naroon.Bumuntong hininga na lamang ako.

The Black Butterfly [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon