Chapter 26

425 7 0
                                    

Amara Pov.

"Akala ko pa naman tunay natin na kaibigan si Lea,napakabuti kasi niya"sabi ni Yaniez.

Lahat kami malungkot,kaibigan parin naman kasi namin si Lea naging mabuti rin naman siya sa amin,naiintindihan ko naman kung bakit niya iyun ginawa sa akin.

"Sayang wala na tayong kaibigan na teacher"

"Huwag na kayong malungkot ang mahalaga naligtas tayong lahat"sabi ni Jake.

Lumabas na kami sa classroom at pumunta na sa canteen para kumain,umorder kami at humanap na ng pwedeng maupuan.
"Cr lang ako"paalam ko sa kanila.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin,umilaw ang kwintas ko color white.
"Nasan ka na Lea,napatay ba kita"bulong na tanong ko sa sarili ko.

"Amara..."

"Bakit?"tanong ko kay Yaniez.

"Miss mo na siya noh?"tumango ako sa kanya.
"Kahit na ginawa niya iyun sa akin napatawad ko na siya.Siya ang una kong naging kaibigan"sambit ko.

Niyakap ako ni Yaniez may tumulong luha sa mata ko pero agad ko itong pinunusan.
"Salamat,Yaniez"sabi ko.

"Malulungkot ako kapag bumalik ka na sa mundo mo"sabi niya bahagya akong ngumiti sa kanya.
"Yaniez..."

"Amara...kapag malapit ka ng bumalik sa mundo mo,sabihin mo agad sa amin ha.Para masulit namin na makasama ka"sabi niya.

"Oo pangako,Yaniez.Tara na labas na tayo"

Pagkatapos namin kumain,nagyaya sila na pumunta sa park.Maaga pa naman daw kasi,nagdala kami ng bola at raketa dahil maglalaro kami.

"Amara tara laro tayo"yaya sa akin ni Pia pero tumanggi ako,nakita ko kasi si Ella na nakaupo sa isang gilid.Pinuntahan ko siya.

"Ella ayaw mo bang maglaro,tara doon tayo"sabi ko pagkalapit ko sa kanya.
"Ayoko,Amara pwede ba umalis ka nga sa harapan ko.Dahil sayo nawala si Ate Lea!"sigaw niya.

Bago namin siyang kaibigan at siya ang pinakabata sa amin at,sobrang close siya kay Lea at tawag sa kanya ni Lea ay bunso.

"Ella..."

"Umalis ka na.Dahil sayo nawalan ako ng Ate!"sabi niya.

"Ella nandito naman ako para maging ate mo"sabi ko tumayo siya.
"Si Ate Lea lang ang gusto kong maging Ate Hindi ikaw,Masama ka!"sigaw niya at tinulak ako bago siya umalis.Napaupo ako dahil ang lakas ng pagkakatulak niya sa akin.Agad na tumakbo si Renz papunta sa akin.

"Okay ka lang ba,Amara?"tanong niya habang tinutulungan akong tumayo.
"Oo okay lang ako"

"Kasalanan ko!alam ko na pangarap niyang magkaroon ng ate at si Lea iyun,ngayon na wala na siya sobra siyang nalulungkot"sabi ko habang naglalakad kami ni Renz.

"Amara,huwag mong sisihin ang sarili mo.Hindi mo naman kasalanan"sabi niya.

"Huwag ka ng malungkot,Magiging okay rin siya.Bigyan mo lang siya ng panahon"ngumiti nalang ako kay Renz at huminto na sa tapat ng gate namin.

"Salamat sa paghatid,Renz"sabi ko sa kanya bago ako pumasok sa loob.

Kinabukasan ay maaga akong gumising sinamahan ko si Aling Wendy na pumunta sa palengke pero agad din naman akong umalis,pumunta ako sa garden.Nagbago ang damit ko naging pink dress naman ito.

"Ang ganda talaga dito,parang nasa mundo lang ako ng Laurin"sabi ko sa sarili ko.

Belle Pov.

"Belle pupuntahan ko lang si Prince Clark ikaw na bahala dito,ha"sabi ni Queen Amia.

"Sige po.Magiingat po kayo Queen Amia"nagbow ako sa kanya at pumunta na sa kusina,pumunta ako sa lagi kong inuupuan.

"Kamusta ka na,Belle?"tanong ni Mageste.
"Okay naman"tipid kong sagot sa kanya.Habang hinihiwa yung beef ko.

"Si Princess Amara kailan ba talaga siya makakabalik?"tanong niya.

"Hindi ko pa alam.Wala pa kaming nagagawa na solusyon."sambit ko.

"Ganun ba."

Naramdaman ko na nagiba ang kulay ng mga mata ko,pinakinggan ko ang paligid.May naririnig ako parang tinatawag ako.

"Belle!"

"Belle tulong!"sigaw niya.Kilala ko ang boses niya.
"Belleee"

The Black Butterfly [COMPLETED]Where stories live. Discover now