Chapter 17

445 9 0
                                    

Amara Pov.

"Salamat talaga Xlake"

Kinabukasan ay nakalabas narin si Xlake kaso hindi siya nakapagexam dahil kailangan pa niyang magpahinga,marami kasi siyang sugat.

Pababa na ako sa hagdan pero may tumulak pa sa akin,pinikit ko ang mga mata ko.Bakit hindi masakit?
Dumilat ako para makita ko kung saan ako bumagsak at nakita ko si Blaze nakahawak siya sa braso ko.

"Okay ka lang ba?"tanong niya.

"Oo okay lang ako.Salamat"sabi ko,naglakad na kami papunta sa canteen.Nandoon na silang  lahat.Si Renz narin ang nagorder sa akin ng kakainin ko dahil alam na naman na niya kung ano iyong akin.
"Thank you"sabi ko sa kanya pagkalapag niya ng pagkain ko.

"Amara samahan mo ko sa library may hihiramin lang ako na book"sabi ni Lea kaya tumayo na ako.
"Sir Erwin kukunin ko lang iyong libro"

Ang dami niyang kinuhang book tinulungan ko narin siya sa pagdala ng mga hiniram niyang mga libro,pumunta kami sa parking lot para ilagay sa kotse niya iyong mga libro.

"Tara na Amara salamat sa pagtulong"sambit niya.Ngumiti nalang ako sa kanya at naglakad na kami papasok sa loob ng school.
"Mam Lea pinapatawag po kayo sa Office"sabi ng isang studyante.

"Okay sige.Amara hindi na kita masasamahan,bye"

Naglakad na ako papasok sa loob pero may napansin akong butterfly kaya sinundan ko ito.Pumunta ito sa isang gubat,hindi ko na alam kung paano bumalik.
Nawala narin sa paningin ko yung butterfly.

"Pano na iyan?Pano ko babalik?"tanong ko sa sarili ko.

"Tulongg!!may tao ba dito!"sigaw ko pero walang sumagot,naglakad nalang ako.Sobrang tahimik tanging ang mga dahon lang na naaapakan ko ang naririnig ko,ang lamig narin.
"Tulongg!!"muling sigaw ko.Malapit ng lumubog ang araw baka abutin pa ako ng gabi dito.
"Tulongg!!!"

May narinig akong tumunog sa malayo kaya nagtago ako sa isang puno.Sumilip ako ng kaunti para makita sila,at nagulat ako ng makita kung sino sila mga black witch at lahat sila mga lalaki may isa palang babae.

"Amara huwag kang maingay,hindi ka nila makikita"bulong ko sa sarili ko.

"Bilisan nyo naman napakabagal nyo!nasaan na ba kasi iyun?"narinig kong sabi nung babae.

"Sandali lang naman,Mira kanina ka pa nagrereklamo"

"Sandali may naamoy ako"

"May...tao yata...or isang prinsesa"may umiilaw siguro yung kwintas ng babae iyun kasi ang mga kapangyarihan nila.Malakas sila pero mas malakas ang mga lalaki.
"Prinsesa...ang anak ni Amia"nagulat ako sa sinabi nung black witch na babae,humahaba na ang mga kuko niya pati narin ang mga kasama niya.Tumakbo na agad ako papalayo sa kanila.

"Ayun siya habulin nyo!"sigaw nila.

Mabilis silang tumakbo kaya ginamit ko na ang kapangyarihan ko,nakakatakot ang mga itsura nila.Ang alam ko kapag nakalmot ka nila sobrang sakit parang tinutusok ka ng kutsilyo.
Napatid ako kaya napaupo pa ako nanghihina na ako hindi ko pa masyadong alam kung pano gamitin ang kapangyarihan ko.Ano ng gagawin ko malapit na sila?

Tatakbo na sana ako kaso huli na ang lahat naabutan na ako nung lalaki at mas nagulat ako ng malaman ko na isa siyang half witch and half werewolf.
"Huwag please maawa ka"

Lumapit siya lalo sa akin at nilapit niya ang labi niya sa aking leeg nararamdaman ko na ang nga ngipin niya ang tulis,tumulo narin ang luha ko.

"Maawa ka please huwag..."mahinang sabi ko,nanginginig na ako sa takot.Pumikit na ako.Naramdaman ko narin ang mga kuko niya sa bewang ko at unti unti niya itong binaon.
"Ahhh!!!"sigaw ko.Napaupo ako sa sakit gustong gusto kong tumakbo pero hindi ko magawa nanghihina na ako.Lumapit na naman siya sa akin,pumikit ulit ako at hinintay ang pagbaon ng kuko niya sa katawan ko at ang pagkagat niya sa akin.

The Black Butterfly [COMPLETED]Where stories live. Discover now