Chapter 12

527 10 1
                                    

Amara Pov.

"Amara"tumingin ako sa likod ko at nakita ko si Blaze.

"Bakit Blaze.May problema ba?"tanong ko sa kanya.

"Wala naman.Samahan mo ko"hindi pa ako nakakasagot hinila na niya ako,kaya wala na akong nagawa kundi ang sumama sa kanya.

"Saan ba tayo pupunta?"tanong ko sa kanya,dahil kanina pa kami naglalakad.
"Sa park"sagot niya.

"Kanina pa tayo lagpas sa park"sabi ko.

"Basta malapit na tayo.Huwag ka ng maingay"

Nakita ko ang isang tree house napakaganda,lumapit kami doon siguro dito kami pupunta.
"Nandito na tayo"sabi niya,pumasok siya sa loob kaya pumasok narin ako.

Ang ganda...napakaganda dito pati sa loob ang ganda pumunta ako sa terrace at umupo.Papalubog narin ang araw ang ganda ng view at ang hangin.Kitang kita ang dagat at ang daming ibon na lumilipad,pati yung park kitang kita.Napakaganda.

"Nagustuhan mo ba?"tumingin ako sa likod ko,may dala siyang cookies at juice.
"Oo naman,napakaganda dito"

Umupo siya sa tabi ko at nagsimulang kumain ng cookies.Tahimik lang kami na pinagmamasdan ang napakagandang paligid.
"Sino gumawa nito...itong tree house?"tanong ko.

"Ako.matagal na ito at lagi akong nandito kapag uwian na,nakakarelax kasi"tama siya nakakarelax nga dito.
"Ang galing mo naman."

"Tignan mo"sabi niya tinignan ko naman ang tinuro niya.Mga butterfly napakadami,iba iba ang mga kulay nila.Ang ganda,tumayo ako at tinaas ang dalawa kong kamay humangin kasi ng malakas.Ang sarap sa pakiramdam.

May butterfly man na dumapo sa kamay ko color black...isang black butterfly.Tumingin ako kay Blaze nakangiti siya at nakita ko na may dumapo man na butterfly sa kanya isang red butterfly.

"Ang ganda talaga dito"masayang sabi ko.
"Salamat kasi dinala mo ko dito"

Pinalipad ko na ang butterfly na dumapo sa kamay ko at umupo na sa uouan,tumabi narin sa akin si Blaze.Nalungkot ako dahil naalala ko sila Mommy ang tagal ko na silang hindi nakikita.Kamusta na kaya sila?

"Amara..."

"Hmm"

"Bakit malungkot ka.Hindi mo ba nagustuhan?"tanong niya.

"Ha?nagustuhan ko Blaze gustong gusto ko.Napakaganda dito"masayang sabi ko sa kanya.
"May naalala lang ako.Pero masaya ako Blaze"ngumiti ako sa kanya at ngumiti rin siya sa akin.

Kakatapos lang namin kumain ni Aling Wendy nagpaalam na ako sa kanya na papasok na ako sa kwarto ko,nanonood pa kasi siya ng tv.Tumingin ako sa bintana at nakita ko na naman iyong lalaki ngumiti siya sa akin,pamilyar...pamilyar sa akin ang ngiti niya.
Umilaw ang kwintas ko color red.

"Amara Celestial Laurin!"

"Bakit ba Renz?"

"Tara na kasi,nandito naman ako"sabi niya kanina pa niya ako kinukulit ayoko kasing sumama sa party ni Mam Lea hindi ako sanay pumunta sa mga ganon,sa mundo nga namin kapag may party nasa loob lang ako ng kwarto ko.

"Amara naman.Nandoon naman kaming lahat at bahala  ka magtatampo sayo si Ate Lea"sabi niya.

"Ate Lea?Diba ang gusto niya itawag natin sa kanya Lea"

"Hayaan mo na tsaka matanda naman na kasi siya."natawa ako sa sinabi niya.
"Amara sige na sumama ka na"

"Oo na sasama na ako,uuwi na ako para makapagayos na ako"

"Hahatid na kita"sabi niya.

"Huwag na,kaya ko na sarili ko.Huwag mo narin akong sunduin"sabi ko sa kanya at umalis na.
"Intayin mo nalang ako sa party."sigaw ko.

"Amara ito nalang isuot mo,sigurado ako bagay iyan sayo"sabi ni aling Wendy.Binigay niya sa akin ang isang cocktail dress na kulay pula at may ribbon sa likod.
Ginamit ko ang kapangyarihan ko para makapagmake up ako.
"Napakaganda mo,Amara"sabi ni Aling Wendy pagkalabas ko sa kwarto ko.

"Salamat po"

The Black Butterfly [COMPLETED]Where stories live. Discover now