Chapter 15

473 12 0
                                    

Amara Pov.

"Amara saan ka pupunta?"sigaw ni Blaze,lumabas na ako at tumakbo na lahat sila tinatawag ako.
"Amara!"sigaw ni Renz.

"Blackk!!"sigaw ko nang makalayo na ako sa kanila.
"Amara black moon,kailangan kitang matago"

"Ha?black moon...black isang beses lang diba nangyayari ang black moon tuwing birthday ko lang.Ano bang nangyayari?"sigaw ko,umuulan narin kaya basang basa na ako.
"Amara hindi ko din alam.Magtago na tayo,sundan mo ako may kubo akong nakita.Malapit lang dito"sinundan ko na siya at sandali lang nakarating din agad kami.

"Ahhhh!!!black napakasakitt!!!"sigaw ko.

"Kaya mo iyan,Amara nandito lang ako"sabi ni Black.

Napakasakit ng nararamdaman ko naman.Nagtataka ako kung bakit nagblack moon na naman,ano ba kasing nangyayari???.

Belle Pov.

"Ahhh!!"napatakbo ako sa kwarto ni Queen Amia nang marinig ko ang sigaw niya.
"Queen Amia ano pong nangyayari?"tanong ko sa kanya.

"Ang sakit...napakasakit Belle,black moon"nagulat ako sa sinabi niya.Black moon?isang beses lang nangyayari ang black moon kapag birthday lang ni Princess Amara.
"Puntahan mo si Prince Clark,susunod ako sayo.Belle"

Nakita ko ang kulay ng buwan color black...ang daming black butterfly sa paligid na lipad ng lipad.Lumipad na ako para makarating agad ako sa kaharian ni Prince Clark.

"Anong ginagawa mo dito,Belle?"tanong niya.

"Black moon...bakit nagblack moon eh diba isang beses lang po iyun nangyayari?"tanong ko naman sa kanya.
"Bakit hindi mo alam,hindi mo ba tinitignan si Celestial"

"Prince Clark ayaw gumana ng kapangyarihan ko pinapunta ako dito ni Queen Amia,ano ba talagang nangyayari?"

"Nakita at nahawakan na ni Amara ang black butterfly na-"pinutol ko na ang sasabihin niya dahil alam ko na.
"Masyado pang maaga.Hindi pa siya handa prince clark"sambit ko.

"Wala na akong magagawa nakita na niya."

"Prince Clark"tumingin kami parehas sa nagsalita si Queen Amia.
"Queen Amia anong ginagawa mo dito?"tanong ni Prince Clark.
"Magusap tayo"sabi naman ni Queen Amia.

"Belle sa labas ka muna,maguusap muna kami"

"Hindi na kailangan Prince Clark,matagal na niyang alam ang totoo."sabi ni Queen Amia,pumunta nalang muna ako sa gilid ng trono ni Prince Clark.

"Narinig ko na ang pinagusapan nyo.Alam ko na ikaw ang may gawa yun kay Amara nahihirapan siya Clark..."

"Ano naman Amia kung mahirapan ang anak mo!"sigaw ni Prince Clark.

"Clark!anak mo si Amara.Pinahihirapan mo ang anak mo!"sigaw ni Queen Amia.Tuluyan ng tumulo ang mga luha niya.

Oo anak ni Prince Clark si Amara,dahil ang totoong mahal ni Queen Amia ay si Prince Clark kaya lang ayaw ng mga magulang ni Queen Amia si Prince Clark kaya pinakasal siya kay Haring Gio,na hindi naman talaga niya mahal.Gumawa ng paraan si Queen Amia para hindi sila magkaanak ni Haring Mike.

Queen Amia Pov.

"Totoo ang sinasabi ko Clark,anak mo siya"sigaw ko.

Flashback...

Gumamit ako ng kapangyarihan para hindi kami magkaanak ni Mike,sinabi ko sa kanya na humingi nalang kami ng tulong kay Clark ang prinsipe ng mga butterfly,makapangyarihan siya lahat kaya niyang ibigay sayo.
Sinabi ko iyun sa kanya dahil buntis na ako at si Clark ang ama.

"Prince Clark maawa ka gamitin mo na ang kapangyarihan mo"pinilit namin siya alam ko na nasasaktan siya ako rin naman nasasaktan ako.Dahil hindi na siya ang lalaking makakasama ko habang buhay.
Pumayag naman siya na gagamitin niya ang kapangyarihan niya.

"Mike aalis lang ako sandali"paalam ko,pumayag naman siya kaya agad na akong umalis.

"Amia ito na yung gamot na hinihingi mo,inumin mo na agad iyun para hindi mamatay ang bata"

"Maraming salamat po"

Kinabukasan maaga kaming pumunta sa kaharian ni Clark,ginawa na niya ang lahat at nakuha na niya ang kapangyarihan agad niya itong tinapat sa aking tiyan.

"Salamat Clark"sabi ni Mike.Ngumiti lang si Clark pero alam ko na pilit lang iyun.

The Black Butterfly [COMPLETED]Where stories live. Discover now