Chapter 36

346 5 0
                                    

Amara Pov

"Huwag mo na siyang saktan pano siya lalaban mamaya kung pahihirapan mo siya"

"Amara kailangan mong manalo mamaya sa kaban ha"sabi ni Daddy.Umiwas ako ng tingin sa kanya.
"Makakaalis ka na"sabi niya kaya agad akong tumakbo sa kaharian niya,alam ko na gusto niya akong saktan kanina kaya lang hindi niya ginawa dahil lalaban ako mamaya.

Ligtas naman akong nakarating sa palasyo namin,lahat ng mga kawal ay nakikipaglaban na,ang paligid ay hindi mo nanaising makita dahil sa kadiliman.Maraming ng namatay,maraming dugo ang nakakalat sa sahig.Ni hindi ko alam kung nasaan si Mommy at Tatay,ang mga kasama ko.Nalulungkot ako sa nakikita ko at nasasaktan para bang gusto ko ng matapos ang lahat ng ito.Sana panaginip nalang ang lahat ng ito at sana magising na ako sa isang masamang panaginip na ito pero totoo ang lahat.Totoo ang lahat ng nakikita ko.

"Princess Celestial ang inyong ina may tama na,kailangan namin siyang gamutin"sabi ng isa sa mga katulong.

"Ipasok nyo na siya sa loob ng kwarto niya at gamutin"

"Masususod po"

Pumunta ako sa kwarto ko at nagbihis ng damit,kinuha ko ang mga palaso at pana na magagamit ko sa pakikipaglaban. Agad akong lumabas ng palasyo at pinagmasdan ang paligid. Usok, apoy at mga patay ang nakikita ko.Bigla na lamang tumulo ang mga luha ko,bagsak narin ang kalahati ng palasyo kaya madaling nasapok ng mga kalaban.

"Anakkkkk!bakit lumabas ka na"sigaw ni tatay na duguan na pero lumalaban parin.

"Prince Clark oras na hahaha"malakas na sigaw ni Haring Gio sa tore ng kanilang palasyo at sa tabi niya may kasama siyang isang lalaki.Siya ang makakalaban ko.

Malakas na tumunog ang kampana hudyat na oras na ng labanan naming dalawa ng lalaking 'yun.Tumakbo ako papalapit sa gitna at matapang na tinignan si Haring Gio.

"Bumaba na kayo rito!"sigaw ko,malakas na natawa si Haring Gio at sumenyas sa anak niya na bumaba na at maghanda.Ang iba naman ay natigil na sa pakikipaglaban para panuorin ang labanan naming dalawa, dahil sa mga oras na ito ako naman ang lalaban.

"Prinsesa Celestial kayang kaya mo iyan!"sigaw ng mga tao.

Ngayon nasa harapan ko na ang lalaki,nilabas ko na ang espada ko at ganun rin siya.Matalim ang pagkakatitig ko sa kanya,kailangan ko siyang patayin para matapos na ang lahat. Ako ang unang sumugod sa kanya,nasugatan ko siya sa kanang braso niya pero hindi man lang siya lumalaban.Ano bang nangyayari?bakit ayaw niyang gumanti sa akin?iniiwasan lang niya ako.

"Blake lumaban ka!matatalo tayo kung iiwasan mo lang siya."galit na sigaw ni Haring Gio.

"Amara huwag mong gawin iyan!"tila ba pamilyar sa akin ang boses na 'yun ay napalingon ako sa kung saan,tinitigan ko ang lalaking sumigaw nun at para bang may iba akong naramdaman.
"Siya si Blake!Amara ikaw si Amara.Ako ito si Renz"ang sabi pa niya.

Lumapit ako sa kanya,marahan habang nakatitig sa mga mata niya.May lumapit sa kanyang mga kawal at pinatahimik.

"Celestial!ang kalaban mo anak"sigaw ni tatay kaya nabaling agad ang tingin ko sa lalaki,agad akong nagpalabas ng apoy at dragon.

"Ahhhhhh!!!arayyy"sigaw niya dahil tumama sa kanya ang ball of fire na ginawa ko.Lumapit ako sa kanya at ngumisi.

"Ano masakita ba?"tanong ko.

"A-amara..."mahinang sabi niya.Sino ba kasi si Amara?

Tumayo siya at diretsong tumingin sa mga mata ko hawak hawak niya ang braso niya na nagdurugo na.Lumayo ako ng lumusog ang dragon na ginawa ko,pilit niyang pinapatay ang dragon kahit na marami na siyang sugat.

Bakit hindi niya ko nilalabanan?Bakit tinawag niya akong Amara?

Pinagmasdan ko na labanan niya ang dragon,hirap na hirap na siya.Lumapit ako at ako na mismo ang pumatay sa dragon, marami ang nagreact kung bakit ko ginagawa yun.

"Ikaw bakit ayaw mo kong labanan ha?!lumaban ka!labanan mo ko"sigaw ko.

"Patayin mo nalang ako,Amara.Ang sakit sakit na"

"Celestial ang pangalan ko hindi Amara"

"Iyun ang gusto kong itawag sayo,Mahal ko"nagtaka na ako sa mga sinasabi niya.Sino ba talaga siya?tila ba pamilyar sa akin ang mga mata niya.

The Black Butterfly [COMPLETED]Where stories live. Discover now