Chapter 34

395 7 0
                                    

Amara/Celestial Pov.

"Celestial nandito na si John"sabi ni Mommy.
"Ahm..okay po"sambit ko.

Kinuha ko na yung pana at lumapit na sa kanya.
"Hello"bati ko sa kanya.Ngumiti siya at naghello man sa akin,nagsimula na kami.

"Ganto"sabi niya hinawakan niya yung kanang kamay ko at yung isa naman niyang kamay sa pana.
"Tignan mong mabuti yung papanain mo"ginawa ko naman ang sinabi niya.

"Tapos bitawan mo na"

Tinignan ko kung tatama ba yung pinana ko pero hindi ito tumama.
"Subukan mo pa.Alam kung kaya mo iyan"sabi niya tumango ako at ngumiti sa kanya.Sinubukan ko ulit pero hindi parin tumatama laging kinakapos.

"Magpahinga ka muna"sabi niya uminom ako ng tubig at muling lumapit sa kanya,kinuha ko yung pana at sinubukan ko ulit.Tumama na ito.

"John tumama na"sabi ko.Habang nakangiti,ang saya ko buti naman nagawa ko na.
"Sabi ko sayo eh,kaya mo iyan."

"Tara turuan mo na ako kung pano magespada"yaya ko sa kanya.

"Sige tara"

Hanggang hapon kami nagsanay hindi ako tumigil hanggang hindi ko siya natatalo.Pagkatapos namin sinanay ko naman kung pano gamitin ang kapangyarihan ko.

"Celestial magpahinga ka muna"sabi ni Mommy.

"Mom kailangan ko po talagang magsanay para mabawi ko na ang mundo natin"sabi ko habang sinusubukan humaba ang mga kuko ko.
"Sige,ikaw bahala.Pero maaga kang matulog,ha"

"Sige po"

Nang makagawa ko nang mapahaba ang mga kuko ko umakyat na ako sa taas at nagpahinga na.
Kinabukasan maaga akong gumising para magsanay ulit dahil bukas na...bukas na ang labanan.

"Good Morning,Princess Celestial"sabi ng mga yaya sa akin ngumiti nalang ako sa kanila.

"Anak good morning ang aga mo naman gising"sabi ni Mommy tumigil muna ako at lumapit sa kanila.
"Good Morning po,Mom at Tay"sabi ko at niyakap ko sila.

"Kumain ka na ba?"tanong ni Tatay.
"Opo tapos na po,Sige po kumain na po kayo"sabi ko sa kanila.

Alam kong kaya ko ito magagawa ko ito.Sana lang kami ang manalo,sana mabawi ko ang mundo namin na sa amin naman talaga.
Kinakabahan ako at natatakot pero dahil nandyan sila Mommy At Tatay parang nagkakaroon ako ng lakas ng loob.

"GoodLuck bukas,Celestial"

"Thank you,Belle.Good Luck din kaya natin ito"

Lahat kami nagsanay na,hapon na kasi at malapit nang maggabi kaya kailangan na namin magsanay lahat.
"Anak kaya mo iyan ha.Nandito lang kami"

Ngumiti ako para ipakita sa kanilang lahat na okay lang ako.May maikli lang kami celebration.Lahat kami nakagown at ang napili kong isuot ngayon gabi ang color blue regalo ito ni Tatay sa akin.

"Thank you,Alam kung kaya natin itong lahat.Magagawa natin,tayo ang mananalo.Mababawi natin ang mundo na sa atin naman talaga.Kailangan lang natin magtulungan"sabi ko.

"Mabuhay ang mahal na prinsesa Celestial"sabi nilang lahat.Ngumiti ako sa kanilang lahat at nagpasalamat ulit.

The Black Butterfly [COMPLETED]Where stories live. Discover now