Chapter 32

415 8 0
                                    

Amara/Celestial Pov.

"Mom mamayang gabi na"sabi ko.Natatakot ako mamayang gabi na kasi magbablack moon.
"Huwag kang matakot nandito lang kami,okay"sabi niya tumango ako at niyakap siya.

"Kaya mo iyan anak"kumalas siya at hinawakan ang mga kamay ko.
"Nandito lang ako"sambit niya.

"Thank you,Mom"

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko kinakabahan ako at natatakot dahil ilang araw nalang maglalabanan na.

"Happy Birthday,Anak"

"Salamat,Mommy"masayang sabi ko sa kanya.
"Tara na"

"Sandali lang po"sabi ko inayos ko ang damit niya.Ngayon ang kaarawan ko at may kunti kaming handa dapat nga yung maraming pagkain at bisita pero sinabi ko ang gusto ko simple lang,pumayag naman sila.

"Ayan okay na po"sabi ko hinawakan niya ang kamay ko at sabay na kaming bumaba.
Niyakap agad ako ni Tatay pati rin si Mommy.Nagising na si Tatay nung isang araw at sobrang saya ko dahil narinig ko ng tawagin niya akong Everly.

"Ang ganda mo,Everly"sabi niya sa akin.
"Happy Birthday,Anak"sabi pa niya sa akin.

"Thank you,Tatay"

Umupo na kaming lahat at kumain na,medyo marami naman kaming lahat kasama narin mga kamaganak ni Tatay.Kaya naging masaya ang birthday ko.

"Celestial dahil hindi ka pa marunong magpana may ipapakilala ako sa iyo siya ang magtuturo sayo"sabi ni Mommy.

"Anak siya si John siya ang magtuturo sayo kung pano gumamit ng pana at magespada"tumayo ako at nakipagshake hands kay John.

"Celestial Clark"sabi ko sa kanya.

"John Park,nice to meet you Princess Celestial"

Nagpatuloy na kami sa pagkain habang sila masayang naguusap.Ayaw daw muna nilang pagusapan ang tungkol sa labanan dahil kaarawan ko daw ngayon.Pagkatapos kumain hindi pa muna sila umalis maaga pa daw kasi kaya yung iba nagswimming at nalibot muna.

"Black"

"Bakit,Amara"tanong niya,dimapo siya sa balikat ko.
"Kapag labanan na...galing mo ha,huwag mo kong iiwan"sabi ko sa kanya.

"Oo naman,Amara basta ikaw din ha"sabi niya.Tumango ako sa kanya at ngumiti.
"Kamusta ang pagsasanay mo?"tanong niya.

"Okay naman.Medyo madami na akong natutunan,at may magtuturo narin sa akin kung pano gumamit ng pana at espada"sabi ko sa kanya umalis na siya sa balikat ko at dumapo naman sa halaman.
"Mabuti naman..."

Tumayo na ako at pumasok na sa loob,nakita ko sila Mommy at Tatay na kausap sila Lola at Lolo mukha ngang masaya sila.
"Everly anak tara dito"ngumiti ako at lumapit sa kanila.

"Hello po."nakangiting sabi ko sa kanila.
"Ang ganda mo naman,Celestial"sabi ni Lola.

"Thank you po,Lola kayo din po ang ganda nyo po"sambit ko.

"Prince Clark...Queen Amia malapit na po"sabi ni Belle alam na namin kung ano ang sasabihin niya,kinabahan ako malapit na naman magblack moon.

"Kaya mo iyan,apo"sabi ni Lolo ngumiti ako sa kanya,bago ako pumasok sa kwarto ko nagpaalam muna ako sa lahat ng bisita at nagpasalamat dahil nakapunta sila sa kaarawan ko.

"Thank you po,Lola at Lolo.Magiingat po kayo"sabi ko sa kanila ngumiti lang sila sa akin at muli akong niyakap.

The Black Butterfly [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon