Chapter 9

584 13 0
                                    

Amara Pov.

"Amara mamaya pagkatapos ng klase mo puntahan mo ako sa office ko"sabi ni Mam lea hindi pa ako nakakasagot sa kanya umalis na agad siya.

Pagkatapos ng klase agad akong pumunta sa office ni Mam Lea,kumatok muna ako bago ako pumasok.Pagpasok ko wala siya kaya tumingin muna ako sa mga pictures na nakasabit sa wall ng office niya.May isa pang picture na magkakasama silang lahat nila Blaze.

"Amara,sorry ngayon lang ako.Kanina ka pa ba?"sabi niya pagkaupo niya sa upuan niya.
"Okay lang po,kakadating ko lang naman po"sabi ko.

"Ganun ba..."tumayo siya at lumapit sa akin.
"Amara may gagawin ako sayo,masasaktan ka.Kailangan ko kasing gawin ito sayo"sabi niya at pinalo ako sa braso napasigaw ako dahil sa sakit.Parang may kuryente.

Ilang beses niya akong pinalo,nasasaktan na ako.Ano bang ginagawa niya?nararamdaman ko na malapit ng umilaw ang kwintas ko.Nagiba narin ang kulay ng mga mata ko at umiinit na ang kamay ko.Galit na talaga ako.Pinilit ko na huwag lumabas ang kapangyarihan ko pero may kaunti ng lumalabas na ilaw sa mga kamay ko pero agad ko itong tinago.

"Amara!"tumakbo na ako palabas sa office niya at agad na tumakbo papunta sa cr,hindi ko na talaga kaya.Tuluyan ng umilaw ang kamay ko at lumabas ang kapangyarihan ko kaya nasira ko ang isang pintuan.

"Amara please kumalma ka..."sabi ko sa sarili ko,patuloy parin ang paglabas ng kapangyarihan ko.Ang dami ko ng nasisira.
"Amara kumalma ka please"mahinang sabi ko sa sarili ko.

Maya-maya unting unti na akong kumalma,naging brown narin ang kulay ng mga mata ko.Umupo ako sa isang gilid nanginginig ako dahil sa pagod at hirap.Mas lumakas na ako ngayon at nahihirapan narin akong kumalma.

"Amara"tumingin ako sa tumawag sa akin nakita ko si black.
"Black...hindi ko kayang kontrolin ang sarili ko nahihirapan na ako."
mahinang sabi ko.

"Amara makakaya mo iyan.Nandito lang ako para sayo"

Bago umuwi dinaanan ko muna si Aling Wendy sa palengke,nagmano ako sa kanya.
"Amara pwede bang idaan mo muna ito sa shop malapit lang dito"sabi niya at inabot sa akin ang box.
"Okay po"sabi ko at nagpaalam na sa kanya.

Nakarating din naman agad ako dahil malapit lang yung shop na sinasabi ni Aling Wendy.Pagkakuha ko ng bayad ay agad din akong umalis.
Habang naglalakad ako may nakita akong lalaki nakatingin siya sa akin,parang pamilyar siya...parang nakita ko na.

Siya yung lalaki na tuwing gabi nakatingin sa bintana ko,kahit na nakashades siya at nakatago ang mukha niya alam ko na siya iyun.Bigla siyang naglakad papalayo kaya sinundan ko siya.

"Sandali lang po!"sigaw ko.

"Kuya sandali lang.Yung br-"
hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil nawala agad siya sa paningin ko ang bilis kasi niyang maglakad.

"Aling Wendy ito po yung bayad sa damit"

"Maraming salamat,Amara"

Pumasok agad ako sa kwarto ko at agad na humiga sa kama ko,nakakapagod ang araw na ito.Ang daming nangyari at ang dami ko ring tanong sa sarili ko.

The Black Butterfly [COMPLETED]Where stories live. Discover now