Chapter 23

413 6 0
                                    

Amara Pov.

Nagulat ako sa nakita ko.Si Blaze...siya si Bh ang lalaking nakatingin sa binatana ng kwarto ko tuwing gabi.
"Blaze..."

"Amara lagi kitang binabantayan.Alam ko na gusto mong tanungin kung ano ang ginagawa ko."sabi niya.

"Bakit...bakit mo ko binabantayan?"tanong ko sa kanya.
"Kasi...gusto ko,lalo na ngayon na naghihinala na si Lea"

"Blaze hindi mo naman kailangan na gawin iyun.May kapangyarihan ako kaya kung ipagtanggol ang sarili ko"sabi ko sa kanya.

"Oo alam ko pero hindi mo nga makontroll ang sarili mo diba."

"Salamat sa pagbantay mo sa akin Blaze"sabi ko sa kanya.

"Pero hindi mo na kailangan gawin iyun,dahil may nagbabantay naman sa akin at isa pa kaya ko na ang sarili ko."sabi ko.

Pinalabas ko si black para makita niya na may kasama ako na may nagbabantay na sa akin.Baka kasi siya pa ang mapahamak.
"Butterfly lang siya,Amara"

"Oo butterfly lang siya pero malakas siya Blaze.Huwag mo na akong bantayan kasi baka...ikaw pa ang mapahamak.Please Blaze"

"Sige pangako hindi na kita babantayan tuwing gabi"sabi niya ngumiti lang ako sa kanya at tumango.
"Sige na pumasok ka na sa loob,uuwi na ako"

"Amara"nagulat ako kay Lea natatakot ako sa kanya dahil alam na niya kung ano talaga ako.
"B-bakit po Mam Lea?"tanong ko.

"Bakit parang kinakabahan ka?"

"Ahh...kailangan ko na pong umalis may gagawin pa ako"sabi ko aalis na sana ako kaso hinawakan niya ako sa braso ko.

"Sumama ka sa akin kapag hindi ka sumama sasabihin ko sa lahat ang pagkatao mo,naiintindihan mo?"tumango nalang ako sa kanya agad naman niya akong hinila at sinakay sa kotse niya.

"Bakit...bakit mo ito ginagawa?"tanong ko hindi kasi ako makapaniwala akala ko kapag nalaman niya kung sino o ano talaga ako tutulungan niya ako dahil kaibigan niya ako pero nagkamali ako.
"Huwag ka ng maingay,Amara"sigaw niya.

Hininto na niya ang sasakyan,lumabas na siya pero ako hindi pa ako lumalabas sumigaw siya na lumabas na ako kaya lumabas ako,agad niya akong hinawakan sa kamay ko at tinali iyun.

"Anong gagawin mo?"tanong ko hinila na niya ako at tinali sa isang puno.Umupo ako at pinagmasdan ang paligid nasa beach kami nawalang katao-tao.Ang mga bahay ay halatang luma,at may isang bahay na napakalagi pero parang wala ng tao.

"Papalabasan ang kapangyarihan mo,ayaw kasi nilang maniwala sa akin."sabi niya habang nilalagay ang camera niya,kumuha siya ng patpat.Kinabahan na ako sa gagawin niya.

"Lea tumigil ka na please"sabi ko.

May dumating na mga lalaki mga pito yata sila at may lima ding babae,nakita ko na nagbago ang kulay ng mata nung isang babae hindi siya normal.May kakaiba sa kanilang lahat.

"Hindi sila normal Amara they have power,parang ikaw."sabi ni Lea.

"Ano sila?"tanong ko.

"Yung mga lalaki witch"sabi niya tinuro niya sa akin yung isang lalaki.
"Isa isang half witch and walf werewolf"

"At yung mga babae naman isa silang black fairy"

Lahat sila malakas baka hindi ko sila kayanin,malakas ang kapangyarihan ko pero hindi ko pa kayang gamitin ito.

"Bago tayo magsimula may tatawagan muna ako"sabi ni Lea kinuha niya ang phone niya.
"Hello Blaze"nagulat ako sa sinabi niya.

"No!Lea huwag mong-"hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil may lumapit sa akin yung lalaki na half witch and half werewolf.
Narinig ko na pinatay na niya yung tawag at may tinawagan ulit.

"Hello Xlake"

Napakasama niya tinuring pa naman namin siyang isang tunay na kaibigan.
"Isama mo narin si Renzo"narinig kong sabi ni Lea pagkatapos niyang kausapin si Xlake tumingin siya sa akin.

"Papunta na sila"sabi niya.

The Black Butterfly [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon