Chapter 13

472 11 0
                                    

Amara Pov.

Nakita ko si Renz sa labas siguro iniintay ako.
"Renz!bakit nasa labas pa?"tanong ko sa kanya.

"Iniintay kita"sagot niya."Bagay sayo.Ang ganda mo"

"Salamat,bagay din sayo iyong suot mo"sambit ko,pumasok na kami sa loob ang dami ng tao.

"Wow,Ang ganda mo Amara"sabi nila sa akin.

"Salamat"

"Anong masasabi mo kay Amara,Blaze?"sabi ni Harold tumingin sa akin si Blaze at agad din naman siyang tumingin kay Harold.
"Maganda"simpleng sagot niya.

"Thank you,Blaze"

Kumain na kami at inintay si Lea,nagcelebrate kasi sila ngayon ng pagdating ng daddy niya matagal na nila itong hindi nakakasama,dahil sa ibang bansa daw nagtatabraho.

"Ang ganda mo naman,Amara bagay na bagay sayo ang suot mo"sabi ni Lea.

"Salamat,Lea ikaw din ang ganda mo ngayon"nakangiti kong sabi sa kanya at uminom ng ice tea.
"Thank you,sige iwan ko muna kayo magenjoy lang kayo ha"

Nagpaalam muna ako sa kanilang lahat na pupunta muna ako sa cr,nagayos lang ako sandali at lumabas narin.Sa gilid ako ng pool dumaan maraming naliligo ngayon.Iyong iba naman nasa tubig lang ang mga paa nila,parang ang saya maligo.May mga bata na tumatakbo at papunta sila sa akin,nagulat ako dahil may tumulak sa akin.Kaya nahulog ako sa pool.

"Tulongg!!!"sigaw ko,hindi pwede baka umilaw ang kwintas ko at baka hindi ko makontroll ang sarili ko.Hindi na ko makahinga,hindi ko naman pwedeng gamitin ang kapangyarihan ko maraming makakakita.

"May nalulunod dito!"

"Bilis tulungan nyo!"

Naririnig kong sigaw ng mga tao,Hindi ko na kaya...hindi na ko makahinga.

Lea Pov.

"Nasan si Amara?"tanong ko sa kanila,may ibibigay kasi ako sa kanya.
"Nasa cr siya Ate"

"Renz tigilan mo nga ako sa pagtawag mo sa akin ng ate kunti lang naman tanda ko sayo"

"Kahit na!"sabi pa niya,napairap nalang ako sa kanya.Ang tagal naman ni Amara.

"Bakit kaya ang tagal ni Amara,kanina pa siya"sabi ni Harold.

"Oo nga eh"sabi naman ni Xlake.

"May nalulunod dito!"

Narinig namin na sigaw ng mga tao sa swimming pool area,agad na tumayo si Blaze at pumunta doon.Kaya sumunod na kaming lahat,nakita ko na agad tumalon si Blaze sa pool.Si Amara...si Amara ang nahulog sa pool nakita ko kasi iyong suot ng babae na nalulunod.

"Si Amara"sabi ko.Nagulat silang lahat.Tumingin ako kay Renz nagaalala siya at gusto pa nga niyang tumalon sa pool pero pinigilan siya nila Harold.

"Renz nandoon na si Blaze,huwag ka ng magalala.Ililigtas niya si Amara"sigaw nila Jake.

Naahon naman agad siya ni Blaze kaya lumapit ako sa kanya.
"Blaze dalin natin siya sa clinic."sigaw ko,may clinic kasi kami dito sa bahay.Tumakbo na ako at siya naman binuhat si Amara at agad akong sinundan.

"Nurse Hailey"tawag ko sa nurse,hiniga na agad ni Blaze si Amara at lumabas na kami.

"Lea!"

"Renz okay lang siya.Nasa loob na siya,huwag ka ng magaalala magiging okay din siya.Kumalma ka"sabi ko sa kanya.

The Black Butterfly [COMPLETED]Where stories live. Discover now