Chapter 37

362 4 0
                                    

Amara/Celestial Pov.

Ang tahimik ngayon,lahat sila pati narin ang kalaban nakatingin sa amin.Parang iniintay nila kung ano ang mangyayari.

Kailangan ko siyang patayin pero parang hindi ko kaya.

"Celestial patayin mo na siya para mabawi na natin ang mundo natin"

"Sige na Princess Celestial patayin mo na siya para matapos na ang lahat"sabi nilang lahat.

"Ahhhhh hindi ko kaya!"sigaw ko at binitawan ang hawak kong espada tumakbo ako habang tumutulo ang mga luha ko.

"Celestial"

Tumakbo lang ako at nang makalayo ako,umupo ako at  doon umiiyak.Ayoko na gusto ko ng matapos ito.

"Celestial"tumingin ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Black dumapo siya sa kamay ko.

"Ayoko na black,hindi ko kaya...hindi ko kayang patayin siya,hindi ko maintindihan kung bakit."sabi ko.

"Celestial...hindi ko alam ang sasabihin ko,kailangan ko ng umalis nagsisimula na ulit ang labanan"sabi niya at lumipad na.

Tumayo ako at kinuha ang espada na nakita ko tumakbo ako at nagkipaglaban.Tumulong na ako sa kanila.
Ako ang prinsesa nila kaya kailangan tulungan ko sila,at patayin ang dapat patayin,kasalanan ko ito dapat pinatay ko na si Blaze kanina.

Tumakbo ako para hanapin si Blaze siya ang dapat kong patayin para mawala na ang mga kalaban.Tumakbo ako papalapit sa kanya.

"Ituloy na natin ang laban pero gusto ko lumaban ka.Gusto kong manalo na pinaghirapan ko ang laban.Ayoko na basta ka nalang susuko at sasabihin na 'Patayin mo na ako',lumaban ka"sabi ko nagulat ako dahil sinaksak niya ako hindi naman ito bumaon.

"Ganyan ang gusto ko"sabi ko at sumugod na sa kanya. Nabitawan ko ang aking espada kaya ginamit ko na ang kapangyarihan ko...minsan hindi ito tumama sa kanya.Siya din ginamit na niya ang kapangyarihan niya.

"Ouch!"sabi ko dahil tumama ito sa akin.Ang dami na naming sugat,nanghihina narin ako.Lumipad ako at sa bundok bumaba, ang hangin ngayon dito.

"Princess Celestial"seryoso niyang sabi.

Hindi ko napansin na lumapit sa akin si Blaze lumayo ako at siya naman palapit ng palapit kaya nahulog ako.

"Ahhhh"sigaw ko akala ko mahuhulog na ako pero nagulat ako ng tulungan niya ako.
"Bakit...bakit mo ginawa iyun?"tanong ko ng ibaba niya ako.

"Hindi kita kayang saktan"mahinang sabi niya.

Muli akong tumingin sa mga mata niya.

"Amara"

"Sino ka ba talaga?"tanong ko habang nakatingin parin sa mga mata niya.
"Ayokong sabihin.Dahil baka kapag sinabi ko sayo baka hindi mo na ako patayin"sabi niya kaya nagtaka ako.

Lumipad ako at bumaba na sa bundok sumunod naman siya sa akin at nagsimula na kaming maglaban.

"Ahhh"sigaw ko at sinaksak siya pero sa braso lang niya ito tumama.At naramdaman ko na naman ang naramdaman ko kanina nasaktan na naman ako.

"Arayyyy!"sigaw niya.Dumiin kasi ang pagkakasaksak ko sa kanya.

Pia Pov.

"Hindi ko na kaya,ayoko ng makita ang paglalaban nila."sabi ko sa kanila.

Nandito kami sa ibang mundo wala na kami sa mundo ng mga tao dahil hindi rin kami normal.Nasasaktan ako sa nakikita ko,nakakasakitan na silang dalawa dahil lang sa kaharian.

"Isigaw nalang kaya natin ang pangalan ni Amara para kahit papano makaalala siya"sabi ni Terence.

"Tama si terence hindi naman mahalaga ang kapangyarihan hindi mahalaga ang kaharian,ang mahalaga ang mga buhay nila.Kapag may namatay sa kanila mawawalan na naman tayo ng kaibigan.Ayoko ng mangyari iyun"sabi ko.

"Amara!"sigaw ko tumingin siya sa akin,at may tumulong luha sa mga mata niya.

The Black Butterfly [COMPLETED]Where stories live. Discover now