Chapter 28

409 5 0
                                    

Amara Pov.

Noong maghapon magkakasama kami hindi namin inaksaya ang panahon.Masaya ako dahil naging kaibigan ko sila,na dumating sila sa buhay ko.

"Salamat talaga sa inyong lahat.Mamimiss ko kayo"sabi ko.

"Salamat din Amara sa lahat"sabi ni Pia.
Lumapit ako kay Renz at muli siyang niyakap.
"Mamimiss ko ang kaibigan ko"sabi ko.

"Magiingat ka dito.Gusto ko kapag nagkita ulit tayo sabay tayong kakain ng ice-cream and springkles,ha"sabi ko.

"Amara naman pinapaiyak mo ako eh"sabi niya kaya natawa ako.
"Pangako Amara"sabi niya,Lumapit naman ako kay Blaze.

"Unang una sa lahat salamat...salamat sa pagligtas sa akin,sa pagtago ng katotohanan kung sino talaga ako,sa pagbantay sa akin tuwing gabi o tuwing umaga.Thank You Blaze"sabi ko at niyakap ko siya.Kanina pa tumutulo ang luha ko.

"Magiingat ka ha,magkikita pa tayo"sabi ko.

"Magiingat ka din"

"Blaze huwag ka ng magtampo.Please aalis na ako bukas,sige na ngumiti ka na.Mamimiss kita"sambit ko.

"Hindi ako nagtatampo,Amara nalulungkot lang ako.Mamimiss kita"sabi niya.Pinunasan niya ang mga luha ko at niyakap ako ng mahigpit.
"Amara Celestial Laurin magiingat ka"sabi niya bago niya ako binitawan.Naglakad na siya papalayo sa akin.

"Blazee!!"sigaw ko lahat sila naglakad na papalayo iyun kasi ang gusto ko.Ayoko na makita pa nila ako na pumasok sa portal mas lalo silang masasaktan gusto ko ako nalang ang masaktan.Gusto ko na makita na sila ang umaalis.
Parang dinudurog ang puso ko,napakasakit...hindi ko kaya.

"Amara paalam na magiingat ka."sabi ni Ella.Malayo na silang lahat sa akin,nakita ko na may lumilipad na butterfly sa paligid.Ang dami nila.

****

"Aling Wendy hindi po ba kayo sasama sa akin?"tanong ko.

"Hindi na muna.Dito muna ako Mara."sabi niya.

"Salamat po sa lahat Aling Wendy.Magiingat po kayo dito,sige po aalis na ako"sabi ko.

"Paalam"sabi ko bago ako pumasok sa portal.

Belle Pov.

Ngayon na dadating si Amara,nasa castle kami ngayon ni Prince Clark dahil kapag nalaman ito ni Prince Gio magagalit iyun.

"Amara"sabi ni Queen Amia at tumakbo papunta kay Amara.
"M-mommy"sabi ni Amara parehas na silang umiiyak.

Pumunta kami sa kusina para kumain at doon sabihin ang totoo.Ang totoo na ang ama ni Amara ay si Prince Clark.

"Amara may sasabihin ako sayo tungkol kay Clark"sabi ni Queen Amia.
"Siya ang tunay na ama mo"sabi ni Queen Amia halatang nagulat si Amara.

"Mahabang kwento,Anak siya ang ama mo.Sana maintindihan mo"

"Nay,naiintindihan ko.Nasaan siya?"

"Nanghihina siya anak..."

Pagkatapos kumain pumunta kami sa kwarto ni Prince Clark,umiiyak si Amara hanggang ngayon wala paring malay si Prince Clark dahil nga lumabas siya sa mundo namin.

"Celestial Aurelia Everly Clark ang gusto niyang maging pangalan mo."sabi ni Queen Amia,pinaliwanag narin lahat ni Queen Amia ang lahat kay Amara dahil naguguluhan talaga siya.

"Ang gusto niya siya lang ang tatawag sayo na Everly"

"Talaga po?sana po magising na siya,at marinig ko na tawagin niya akong Everly"sabi ni Amara.

Amara Pov.

"Celestial na ngayon ang itawag mo sa akin,Belle"sabi ko kay Belle.
"Okay Princess Celestial"

"Daddy...gumising ka na,nandito na ako.Gusto gusto na kitang makitang gising"sabi ko habang hawak ko ang kamay niya.

"Celestial..."

"Belle bakit?"tanong ko.

"Si Haring Gio nandito galit na galit"nagulat ako sa sinabi niya kaya agad akong lumabas.Nagulat ako dahil bigla akong hinila ni Tatay.
"Sandali lang po,nasasaktan ako"sabi ko.

The Black Butterfly [COMPLETED]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin