Chapter 22

392 6 0
                                    

Lea Pov.

Umuwi muna ako at agad na umupo sa sofa.Narinig ko na may nagdoorbell,kaya pinabukas ko ito sa yaya namin.

"Lea"tumayo ako at tinignan kung sino siya.
"Oh...Xlake anong ginagawa mo dito.Tutulungan mo ba ako na malaman talaga kung ano si Amara"sabi ko sa kanya.

"Oo tutulungan kita.Ano bang gagawin natin?"tanong niya.
Pinaupo ko siya sa tabi ko.

"Sandali may kukuhanin lang ako.Tapos sasabihin ko na sayo ang mga gagawin natin,para malaman natin talaga ang totoo niyang pagkatao"sabi ko at umakyat na sa taas.May kinuha lang akong mga papel at bumaba narin agad.

"Xlake"tawag ko sa kanya pero nakita ko na wala na siya sa sala.Kaya mas binilisan ko ang pagbaba ko at hinanap siya.

"Xlake!?"

"Bakit Lea.Nandito lang ako sa garden nyo,ang tagal mo kasi"sabi niya.Pumunta agad ako sa tabi niya.Magsasalita na sana ako para sabihin sa kanya ang mga gagawin namin pero biglang nagring ang phone niya.

"I'm sorry kailangan ko ng umalis.Next time nalang natin pagusapan"sabi niya at agad na lumabas.

Pagkalabas niya kinuha ko ang camera ko titignan ko kasi ang video ni Amara,nagulat ako ng makita kong wala na yung video.Bakit nawala yung video?
Baka binura ni Xlake pero pano naman niya buburahin?tinago ko kasi yung camera ko.Kaya impossible na mabura niya.

Amara Pov.

"Okay na nabura ko na yung video.Pumunta ako sa kanila"sabi ni Xlake.
"Salamat talaga,Xlake"sabi ko sa kanya ngumiti lang siya sa akin.

"Anong sinabi mo sa kanya bakit mo nabura yung video?"tanong ni Blaze.

"Sinabi ko na tutulungan ko siya na malaman kung sino talaga si Amara,tapos may kinuha siya sa taas hinanap ko agad kung nasaan yung camera at ng mahanap ko binura ko iyun agad"sabi niya.

"Xlake siguraduhin mo na nabura mo na iyun"sabi ni Blaze.
"Oo sigurado ako nabura ko"

"Amara huwag ka ng magalala nandito lang kami para sayo"sabi nila sa akin kaya ngumiti ako sa kanila at niyakap sila.
"Salamat....salamat talaga"sambit ko.

"Amara pupunta muna ako sa garden ha"sabi ni Aling Wendy.
"Sige po.Magiingat po kayo"sabi ko sa kanya at pinagpatuloy na ang pagkain ko.

Naglinis lang ako sandali sa loob ng bahay at pumasok na sa kwarto ko,tumingin ako sa bintana.Ilang araw ko ng hindi nakikita ang lalaking laging nakatingin dito,dahil minsan kapag pumasok na ako sa kwarto ko natutulog na agad ako.
Maya-maya lang ay nakita ko na siya,nakatingin na naman dito.

"Ang tagal naman ni Aling Wendy"sabi ko sa sarili ko,kaya bumaba ako at pumunta sa garden.Nakarating na ako sa gubat at doon ko siya nakita,tahimik na nakaupo at pinagmamasdan ang paligid.Tumabi ako sa kanya.

"Aling Wendy tara na po sa loob,gabing gabi na po."sabi ko sa kanya.

"Sandali lang,Amara."sabi niya kaya tumango nalang ako.Maya-maya ay nagyaya na siyang bumalik na sa bahay,tinulungan ko siyang tumayo.

"Kilala mo ba yung lalaking laging nakatingin sa binatana ng kwarto mo?"tanong niya habang naglalakad kami.Nakikita rin pala niya yung lalaki.
"Hindi nga po eh"sagot ko sa kanya.

Pagkapasok niya sa kwarto niya pumasok na ako sa kwarto ko at tumingn ulit sa bintana,nandoon parin siya.Nakatayo at nakatingin dito.Kinuha ko sa drawer ko ang bracelet na napulot ko na sa tingin ko ay sa kanya.Bumaba agad ako pagkakuha ko,at agad siyang nilapitan.

"Sandali lang.Huwag kang aalis,may ibibigay ako sa iyo"sabi ko sa kanya,at unting unti lumapit sa kanya.

"Ito,sa iyo ba iyan?"tanong ko at nilabas ang bracelet niya.Tumingin naman siya doon.At tumango,binigay ko ito sa kanya at agad din niyang kinuha.

"Sino ka ba talaga?bakit lagi kang nakatingin doon?"tanong ko sa kanya.Nagulat ako dahil bigla niya akong niyakap.

"Ah..."sabi ko,bumitaw na siya sa akin at tinignan ako.Hinawakan niya ang shades niya at unting unti niya iyun tinanggal.

The Black Butterfly [COMPLETED]Where stories live. Discover now