Chapter 33

387 4 0
                                    

Belle Pov.

Black moon na nagiba na ang kulay ng mga mata nila at nasasaktan na sila,si Prince Clark hawak niya ang kamay ni Queen Amia ako naman binabantayan ko si Princess Celestial.

"Ahhhh!!!ang sakit....napakasakit!"sigaw niya.Hindi pa pumapasok ang kapangyarihan niya dahil mamaya pa,nagsisimula palang kasi ang black moon.

Ang inggay ngayon dito sa kwarto dahil parehas silang sumisigaw.Parehas silang nahihirapan.
Tumingin ako sa binatana at nagulat ako dahil hindi black ang kulay ng buwan kulay pula ito,agad kong tinawag si Prince Clark.

"Color red...simbolo ng pagibig,mahal ni Everly iyong lalaki...mahal nila ang isa't isa,kaya naging red"sabi niya.

"Pano yun...diba bawal umibig si Celestial,maaari siyang mamatay"sabi ko.

"Ahhhhh!!"lumapit agad ako kay Princess Celestial.
"Mas lalo siyang nahihirapan,Prince Clark"sigaw ko.

Walang tigil si Princess Celestial sa pagsigaw niya,muli akong tumingin sa buwan kulay pula parin ito hanggang ngayon.Maya-maya lang pumasok na ang kapangyarihan niya,iba't ibang kulay...iba ibang kapangyarihan na naman ang pumasok sa kanya.

"Dapat tapos na pero bakit hindi parin?"tanong ko.Hindi sumagot si Prince Clark parang may iniisip siya.Anong mangyayari?Biglang umilaw ng malakas tinakpan ko ang mga mata ko.

"Clark ang anak mo umibig siya diba sinabi ko sayo na bawal siyang umibig.Maari siyang mamatay"sabi ni Queen Elizabeth ang reyna ng buwan.
"Queen Elizabeth alam ko po.Pero maawa po kayo huwag mo muna siyang kunin kailangan pa siya"sabi ni Prince Clark.

"Kung makakaya niyang gumising"sabi ni Queen Elizabeth at bigla ng nawala.

"Everly gumising ka!Everly anak please gumising ka"

Nagbago ang kulay ng mga mata ko may naririnig ako bulong ito ni Queen Elizabeth.
"Kapag tapos na ang black moon mamamatay na si Celestial,wala na akong magagawa"sabi niya.

Bumalik na sa dati ang kulay ng mata ko at agad na sinabi kay Prince Clark ang narinig ko.Nagising na si Queen Amia at nang malaman niya ang nangyari umiyak siya.
"Celestial gumising ka!!"sigaw niya habang hawak hawak ang kamay ni Princess Celestial.

"Malapit na pong matapos"sabi ko sa kanila.
"Celestial gising please..."

Akala namin hindi na siya gigising...pero gumising siya,halatang nanghihina parin siya.Agad siyang niyakap ni Queen Amia at Prince Clark.

"Celestial anak..."

Kinabukasan ay maaga akong nagising,nakita ko rin na nagsasanay na si Princess Celestial.Medyo nagulat ako dahil kagabi sobrang hina niya.

"Princess Celestial okay ka na ba?"tanong ko agad sa kanya.

"Oo belle okay na ako kaya ko nang magsanay"sabi niya ngumiti nalang ako at pumasok na sa loob para kumain.

The Black Butterfly [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon