Chapter 18

455 7 0
                                    

Amara Pov.

Ilang minuto na akong nakapikit pero hanggang ngayon hindi parin niya binabaon ang kuko niya kaya dumilat na ako.At nang makita ko ang nasa harap ko tuluyan na akong umiiyak.

"Blaze..."tumakbo siya sa akin at niyakap niya ako ng sobrang higpit.
"Tahan na Amara...nandito na ako,hindi ka na nila sasaktan"

"Blaze..."

"Tahan na..."mahinang sabi niya,lumalabo na ang paningin ko,sobrang sakit na ng bewang ko dahil sa pagkakadiin kanina nung witch.
"Amara dadalin kita sa hospital,nandito lang ako"tumango nalang ako at tuluyan na akong pumikit.

Dumilat na ako pero medyo malabo pa ang paningin ko,alam ko na nasa hospital na ako.
"Amara okay ka na ba?"tanong ni Blaze.

"Oo okay na ako"

"Amara si mommy nga pala"tumingin ako sa gilid ko at nakita ko ang mommy niya ang ganda niya.
"Hello Amara,I'm Doc Bea"

"Hello po.Amara Celestial po"sabi ko habang nakangiti sa kanya.
"Kapag may masakit sayo sabihin mo lang sa akin,ha"

"Okay po.Salamat po"
Nagpaalam na siya sa amin na lalabas na siya marami pa daw kasi siyang gagawin,ngumiti ako kay Blaze at nagpasalamat ako sa kanya.

"Blaze...yung mga witch ngayon ka lang ba nakakita?"tanong ko sa kanya.
"Yes.Ikaw ba Amara ngayon ka lang ba nakakita"hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya,bawal kong sabihin sa kanya ang totoo.

"Oo ngayon palang akala ko nga hindi sila totoo.Kaya takot na takot ako ng makita ko sila,buti nalang dumating ka kundi baka wala na ako"

"Blaze salamat sa lahat,lagi mo nalang akong nililigtas kapag napapahamak ako maraming salamat talaga."sabi ko ulit sa kanya ngumiti siya sa akin at tumayo siya para yakapin ako.
"Your welcome."

Ilang buwan na ang lumipas,marami ng nagbago mas lalo na akong naging close sa kanila lalo na kay Blaze at Renz,madalas kaming tatlo ang magkakasama.Madalas nasa tree house kami para manuod ng sunset at maglaro ng badminton.

"Amara ikaw na muna,pagod na ako"sabi ni Blaze at binigay sa akin ang raketa niya kaya kinuha ko ito.Humangin ng malakas.
"Renz pahinga muna tayo,pagod na ako"sabi ko at umupo na sa damuhan.Binigyan ako ng malamig na tubig ni Renz agad ko naman itong ininom.

****

Kakatapos lang ng klase namin,nagyaya si Lea na pumunta sa tree house ni Blaze pumayag naman ang lahat kaya pumunta kami.Bumili muna kami ng pagkain na pwedeng lutuin para sa picnic namin,maaga kasi ang uwian namin.

"Amara tulungan mo ako magluto ng carbonara,yung mga lalaki kayo na bahala kung saan tayo pwepwesto,ikaw naman Pia ikaw na bahala magdesign"sabi ni Lea.Birthday kasi ngayon ni Yanize bago namin siyang kaibigan,isosoprise kasi namin siya.

"Lea ito na yung mga ingredients"sabi ko habang nilalagay sa lamesa ang ingredients na kinuha ko sa ref kanina.
"Salamat,Amara.Ako na bahala dito.Kaya mo bang magluto ng pancake?"

"Oo kaya ko"sabi ko.Nagsimula na akong gumawa ng pancake.

"Ate Lea ito iyong cake,yung cupcakes,balloons at ribbons"sabi ni Renz.

"Salamat Kuya Renz!yung balloons and ribbons bigay mo kay Pia"sabi ni Lea.
"Okay po"sabi ni Renz bago siya umalis.Nagpaalam pa siya sa akin bago siya umalis.

"Okay na Lea,tapos na ako dito"

"Ahh...sige,tulungan mo nalang muna si Pia sa baba baka hindi pa siya tapos"

Bumaba na ako at kinuha ko ang mga yellow ribbons para isabit at binigyan ko ng red ribbon si Pia at para sa mga lalaki naman ay blue ribbon,ilalagay namin iyun sa kanang kamay namin.

"Salamat,Amara"sabi ni Blaze pagkabigay ko sa kanya ng ribbon niya.
"Ako na magkakabit sayo"
Binigay niya sa akin yung ribbon niya at kinabit na sa kamay niya,tumingin na ako sa kanya.
"Ayan okay na..."sambit ko.

Inakbayan niya ako at naglakad kami pinaupo niya ako at tumabi siya sa akin.Pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko medyo nagulat pa nga ako.
"Magpapahinga muna ako,napagod ako.Amara..."mahinang sabi niya habang nakapikit.

"Okay..."

The Black Butterfly [COMPLETED]Where stories live. Discover now