Special Chapter 1/XX

21.7K 383 42
                                    

Special Chapter 1/XX

“BAKIT ka nandito?” bungad ni Daniel kay Robi sa pinto pa lamang ng bahay namin. Nakakunot na agad ang noo niya at nakaekis ang kamay sa dibdib. Hanggang ngayon, mainit pa rin ang dugo nila sa isa’t isa. Para silang aso’t pusa o kaya naman tubig at mantika na hindi mapagsama-sama.

“Nandito ako para bisitahin ang babe ko. Tabi nga,” sagot naman ni Robi at itinulak sa gilid si Daniel. Nakasimangot rin ito habang papasok sa bahay namin. Tumingin siya sa direksyon ko at nagliwanag agad ang mukha niya ng makita ako.

“Babe!” tawag niya sa akin. Itinaas niya ang dala niyang oreo cheesecake. “May dala ako para sa’yo. Alam kong gustong-gusto mo ito.”

Ngumiti ako at tumakbo papunta sa direksyon niya. Agad naman kaming nagyakapan na parang wala ng bukas.

Pinaghiwalay kami ni Daniel ng makalapit siya sa amin. Tumingin siya sa akin at agad nanermon, “Angel, alam mo namang bawal kang tumakbo. Buntis ka kaya.”

Hinawakan niya ang kamay ko at dinala niya ako sa kusina. Binigyan niya ako ng paborito kong sinangag at hotdog. Ito kasi yung gustong-gusto kong kainin simula ng magbuntis ako. “Oh ayan, alam kong paborito mo yan. Huwag mo ng pansinin yung cheesecake.”

Nagdabog na pumasok si Robi sa kusina at kumuha ng kutsilyo. Nag-slice siya ng cheesecake at inilagay sa pinggan para ibigay sa akin. “Mas masarap kaya ang cheesecake, di ba babe? Araw-araw ka namang nakakain ng hotdog at sinangag, pero itong cheesecake, minsan lang.”

“Sinangag at Hotdog,” giit ni Daniel.

“Cheesecake nga,” sabat ni Robi.

Nagtinginan ng masama sina Daniel at Robi sa isa’t isa. Bumuntong-hininga ako habang tinitingnan silang mag-away. Kahit kailan talaga, hindi magkasundo ang dalawang ito.

“So anong pipiliin mo?” sabay nilang tanong sa akin.

“Sinangag at hotdog ko o cheesecake nitong hilaw na kapatid mo?” singhal ni Daniel.

“Hoy hindi ako hilaw!” sigaw ni Robi kay Daniel at tumingin sa akin. “Angel, piliin mo yung akin. Ako ang kapatid mo at mas matagal kitang nakasama kesa sa kanya.”

Parehas silang nakatingin sa akin na para bang kakainin nila ako ng buhay kapag hindi ko pinili ang inaalok nila sa akin.

“Ako ang piliin mo dahil ako ang asawa mo,” sambit ni Daniel. “Mas matagal ka niyang nakasama pero mas matagal kitang makakasama. Hanggang kamatayan at kung ano meron pagkatapos ng kamatayan na tayo magsasama.”

Napalunok ako habang tinitingnan ko silang dalawa.

Will You Change for Me? (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon