Chapter Three

25.8K 435 30
                                    

Chapter Three

TUMINGIN ako sa kaliwa’t kanan. Sinisigurado kong wala akong Daniel Padilla na makikita. Maaga pa. Ayokong masira ang araw ko ng ganito kaaga.

Maya-maya, ngumiti na ko ng pagkalaki-laki. Ni anino ni Daniel, hindi ko makita! Yes!

Masaya akong pumunta sa locker ko at binuksan iyon. Sumisipol pa ko habang kumukuha ng libro na kailangan ko sa araw na ito. Sinarado ko na ang locker ko at halos atakihin ako sa puso ng makita ko ang mukha ni Daniel sa gilid ko.

Sobrang laki ng ngiti niya. Ngiting nanalo sa lotto, ganun.

“Good morning Angel!! Mukhang masaya araw natin ngayon ah,” bati niya.

“Masaya sana kung hindi ka lang nagpakita,” singhal ko sa kanya. Padabog kong kinandado ang locker ko at umalis sa harapan niya.

Pero ang mokong hindi nagpatinag. Sinundan pa ako at naglakad sa tabi ko.

“Maaga pa naman. At halos isang oras at kalahati ka pa mag-aantay para sa first class mo. So what about breakfast?” aniya.

Napatigil ako. Pero siya nagpatuloy pa rin sa paglalakad. Nang nakita niyang hindi na ako sumasabay, tumigil rin siya at lumingon sa akin. Nakakunot ang noo niya.

“May problema ba?” tanong niya sa akin.

Tinatanong niya ako kung ano problema? Eh siya itong alam ang schedule ko! Leche!

“Bakit mo alam ang schedule ko?!” sigaw ko sa kanya.

Ngumiti lang siya. “I have my sources.”

“No!!” tutol ko. “You just have your girls!!”

Tinalikuran ko siya. Mamaya pa naman klase ko. Pupunta na lang ako sa school field para mag-drawing. Naiinis ako pag nakikita ko ang mukha niya at naaalala ko lahat ng mga babae niya. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis, basta naiinis lang ako.

“Selos ka na niyan?” sabi niya sa akin. Nasa gilid ko nanaman siya at sinasabayan ang bawat hakbang ko. Nakangisi siya sa akin.

Huminto nanaman ako. “Pwede ba?”

“Bakit ba parang lagi kang may period?” wika niya.

Ang bastos talaga ng bibig ng lalaking ito! Sarap bigwasan!

“Lubayan mo na ako! Utang na loob! Sa dinami-dami ng babaeng nagkakandarapa sa’yo, bakit ako pa piniperwisyo mo? May boyfriend na ako! BOYFRIEND, naiintindihan mo ba?” bulyaw ko sa kanya.

Will You Change for Me? (KathNiel)Where stories live. Discover now