Chapter Six

23.9K 416 28
                                    

Chapter Six

HINDI ako makapagsalita. Napako rin ako sa yakap niya at hindi makagalaw. Napasinghap ako sa tanong niya. Paano ko sasagutin iyon?

“Angel, please...” pagmamakaawa niya.

Bumuntong hininga ako. “May boyfriend ako.”

Naramdaman kong nanigas siya sa pwesto niya. Nakalimutan nga ata niya na may boyfriend dapat ako.

Pero maya-maya lang nag-relax na ulit siya. Umalis siya sa yakapan namin pero nanatili ang mga kamay niya sa braso ko.

Tiningnan niya ako sa mata. “Give me three weeks.”

Kumunot ang noo ko. Para saan ang three weeks?

Huminga siya ng malalim bago nagpatuloy. “Give me three weeks to prove to you na mas bagay tayo kesa sa Niga Higa –”

“Robi ang pangalan niya,” singit ko.

Sinimangutan niya ako. “Wala akong pakialam kung ano pang pangalan niya. Hihiwalayan mo rin naman siya.”

Napaawang ang bibig ko.

“Isara mo iyan, bago ako ma-tempt na halikan yan,” pagbabanta niya.

Agad kong sinara ang bibig ko. Mahirap na. Baka totohanin niya ang banta niya sa akin.

“Ang yabang mo rin ano! Bakit ko naman hihiwalayan si Robi para sa’yo?” tanong ko.

Ngumisi siya.

“I’m better than him in so many ways. Mas gwapo ako, mas malakas ang dating at mas maaalagaan kita. Kaya kitang alagaan na mas higit sa kanya. At kaya kong ipakita na mas gusto kita kaysa sa kanya. Naiintindihan mo ba? Just give me three weeks at pagkatapos noon, hindi mo na naiinisin pang mahiwalay sa akin,” aniya.

“At paano kung hindi ko ibigay ang three weeks na hinihingi mo. Anong gagawin mo?” saad ko. “What makes you think I’ll betray Robi for someone like you?”

Namamalik-mata lang ba ako o may nakita akong kaunting sakit sa kanyang mga mata. Was I too hard on him? Nanlambot naman ako.

Ayoko lang masaktan.

Gusto ko lang makasigurado sa kanya.

Parang kailan lang, lahat na ata ng babaeng makikita niya siniseduce niya at hinahalikan. He uses girls to his convenience at pagkatapos ay papalitan lang niya ito na parang nagpapalit lang siya ng damit. He broke too many hearts. Ayoko namang mapabilang sa mga koleksyon niya ng babae.

Will You Change for Me? (KathNiel)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum