Chapter Thirteen

20.2K 375 20
                                    

Chapter Thirteen

HINDI ko alam kung paano ako nakagalaw at nakaalis sa kwarto na iyon. Ang tanda ko na lang ay tumatakbo ako palabas ng building at humangos papunta sa dinaungan ng yate kanina.

Napasinghap ako ng hindi ko na makita ang yate. Agad kong kinuha ang cell phone ko sa body bag na dala ko at tinawagan si Robi. Nag-ring lang pero hindi niya sinasagot.

“Damn! Not now Robi. Huwag ka munang makipaglandian kay Gretchen,” bulong ko at tinawagan ulit siya sa pangalawang pagkakataon.

Sa pang-apat na ring, ay sa wakas sinagot na rin niya.

“Hello...” bungad niya sa akin.

“Robi!! Tulungan mo ko –”

Naputol ang sasabihin ko dahil may humablot sa cell phone ko.

“Babe? Babe?” umalingawngaw ang boses ni Robi galing sa kabilang linya.

Agad naman ako lumingon at nakita ko si Daniel sa likuran ko. Masama ang tingin niya sa akin. “Walang katapusang Robi nga naman, oo oh. Kayo pa rin pala hanggang ngayon.”

“Ano bang pakialam mo?” sagot ko at inilahad ang kamay ko sa kanya. “Ibalik mo na ang cell phone ko please.”

Bakit pa siya nagpakita ulit?

Sabi ko pa naman sa sarili ko, sa pagkakataon na ito kakalimutan ko na siya. Buburahin ko na siya sa ala-ala ko. Pero ngayong handa ko na siyang kalimutan, tsaka naman siya babalik. Bakit ba ako pinaglalaruan ng tadhana?

“Babe? Ayos ka lang ba?” tanong ni Robi galing sa kabilang linya. Halata na ang panic sa boses nito.

Itinapat ni Daniel ang telepono ko sa tenga niya at sinabing, “Akin si Kath. Go to hell.”

Pinatay niya na ang cell phone ko at tinapon sa dagat.

Nanlaki ang mga mata ko habang tinitingnan kong kainin ng dagat ang cell phone ko. Lumunok ako at agad na tiningnan si Daniel. “Bakit mo iyon ginawa? Ano pa ba ang kailangan mo sa akin? Paalisin mo na ako dito.”

“I suffered for five years, Angel. Ginawa ko lahat ng gusto mo. Ngayon naman, ang kagustuhan ko ang masusunod. I’ll make you fall so madly in love with me. I’ll ruin you for another man. So that when I’m done with you, ikaw naman ang magmamakaawa na hindi ako mawala sa buhay mo. That’s my sweetest revenge Angel. Be ready for it.”

Wala pa rin akong makitang emosyon sa kanya. Naka-poker face lang siya habang sinasabi niya iyon. Nasaan na ang mapagbiro at masiglang Daniel?

Will You Change for Me? (KathNiel)Where stories live. Discover now