Chapter Eleven

19.7K 382 10
                                    

Chapter Eleven

“BABE!!!”

Lumingon ako at agad tumambad sa akin ang masayang mukha ng kapatid ko. Bigla niya akong niyakap ng mahigpit at hinalikan sa noo ng ilang ulit.

“Pumayag na siyang makipag-date sa akin!! Grabe ang saya ko!!” sabi niya sa akin. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at nagtatalon sa harapan ko. Para siyang bata na nabigyan ng laruan na inaasam-asam niya. Buti pa siya masaya.

Ngumiti ako ng mapakla. “Good for you then.”

Huminto siya sa pagtalon at tinitigan akong mabuti. Kumunot ang noo niya. “Umiyak ka ba? Bakit namumugto iyang mata mo?”

“Hindi noh!” pagtanggi ko. “Napuyat lang siguro ako nung immersion namin.”

“Dumating ka one week ago. Tapos sasabihin mo sa akin, dahil napuyat ka sa immersion niyo? Huwag mo nga akong mauto-uto Kathryn Bernardo,” wika niya sa akin sa striktong boses.

Napakagat ako ng labi.

Seryoso na ang magaling kong kapatid. Tinawag na niya ako sa sarili kong pangalan.

Bumuntong-hininga ako. “I’m broken-hearted.”

Nanlaki ang mga mata niya.

“Ano?!” sigaw niya. “Paano? Eh wala ka namang nakukwento sa akin ah. Ganyanan na ba ngayon babe? Naglilihim ka na sa akin?”

“Hindi naman sa ganun Robi,” panimula ko, “Ayoko lang din namang makadagdag sa problema mo sa babae mo.”

Natanggal ang kunot sa kanyang noo at humugot ng isang malalim na hininga.

“You should know na ikaw ang first priority ko. Kapatid kita. Your happiness first before mine,” wika niya.

Umupo na siya sa sofa ng living room namin at tinapik ang kandungan niya. “Sit here. Let me give you a hug.”

Tinaasan ko siya ng kilay. “Hindi na ako bata, Robi.”

Tumawa naman siya.

Napangiti na lang ako at umupo sa tabi niya.

“So who is the bastard na kailangan kong bugbugin?” tanong niya sa seryosong tinig.

Alam kong galit siya. Halata sa boses niya. Hindi talaga siya magdadalawang-isip na bugbugin o ipabugbog si Daniel. Kahit galit ako kay Daniel, hindi ko rin naman maatim na makita siyang nasasaktan.

Will You Change for Me? (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon