Chapter Five

25.3K 465 27
                                    

Chapter Five

NAGKATINGINAN kaming dalawa. Ako ang unang umiwas ng tingin sa kanya. Hindi ko kaya ang mga titig niyang ganyan. Malalim, nakakalunod, at oo, nakakapang-hina ng tuhod.

“Kalimutan mo na ang sinabi ko. Hindi ko lang alam kung ano ang lumalabas sa bibig ko. Pagod lang siguro ako,” sabi ko at tumalikod na sa kanya.

Lalakad na sana ako palayo nang hawakan niya ang braso ko at pinaharap ulit sa kanya.

“Do you really want me to change for you?” tanong niya.

Hindi ako makapagsalita. Hindi ko mahanap ang boses ko para sagutin siya.

“Hindi ba kung gugustuhin o mamahalin mo ang isang tao, dapat gusto o mahal mo siya kung ano siya, hindi kung ano ang gusto mong ugali niya o kinikilos niya. Tanggap mo dapat kung ano ang nakaraan niya, dahil sigurado kang ikaw ang present at ang future niya,” saad niya.

Lalo akong hindi makapagsalita. Napasinghap ako. Lumakas ang kabog ng dibdib ko, lalo na nung hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinagtabi ang mga noo namin. Pumikit siya at napapikit na rin ako. Parang dinadama namin ang isa’t isa.

“Hindi ako magbabago para sa’yo. Gusto ko magustuhan mo ako kung ano ako. Pero ito ang pinapangako ko sa’yo. Mula ngayon, ikaw na lang ang babae sa buhay ko. Alam kong mabilis ang lahat para sa’yo pero ito ang nararamdaman ko eh. Noong unang beses na makita kita, nasabi ko sa sarili ko, nahanap ko na yung babaeng maaring mag-alaga at magmahal sa akin habang-buhay,” wika niya.

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Posible ba ang ganun?

Hinalikan niya ako sa noo. Dumilat na ako at nakita kong nakatingin na rin siya sa akin.

“Magbihis ka na. Baka matuyuan ka ng pawis,” sabi niya.

Tinanggal na niya ang kamay niya sa pisngi ko at ngumisi. “Namumula ka na. In love ka na sa akin noh?”

“H-Hindi noh!” nauutal kong sigaw. “M-Makaalis na nga. B-Bahala ka sa buhay mo!”

Ang ngiti niya ang huli kong nasilayan bago ako tumalikod at tumakbo paalis.

Hindi pwede ito! Hindi dapat ako maniwala sa mga pinagsasabi ng isang playboy!

PARA akong kriminal na pinipilit paaminin ng mga pulis sa mga sunod-sunod na tanong ni Julia.

“Walang kami. Hindi kami magkaibigan,” tugon ko sa bawat tanong niya.

Will You Change for Me? (KathNiel)Where stories live. Discover now