Chapter Eighteen

20.8K 374 26
                                    

DANIEL's POV.

Chapter Eighteen

PARANG binagsakan ako ng langit at lupa ng maramdaman kong dahan-dahan niyang binitawan ang mga kamay ko. Tumakbo siya papunta kay Robi at niyakap ito ng mahigpit.

“Miss na miss kita Robi,” rinig kong sabi niya.

Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko bumabaliktad ang sikmura ko. Gusto kong maduwal na ewan. Siguro dala ng sobrang takot na mawala ulit si Angel sa akin. Siya na ang buhay ko. Kung iiwan niya ulit ako, baka mamatay na ako.

Nakita kong ginawaran niya ng halik sa pisngi si Robi at kinuyom ko ang palad ko.

Naglakad ako papunta sa kanila at hinigit siya papalayo sa mokong na iyon. Inilagay ko siya sa likod ko at tiningnan ng masama ang lalaking minsan ng sumira sa amin.

“Anong ginagawa mo dito?” singhal ko sa kanya. “Hindi ko maalalang inimbita kita dito. Wala kang lugar dito kaya lumayas ka.”

“Aalis lang ako kapag kasama ko ang fiancée ko...” sagot naman niya.

Napako ako sa kinaroroonan ko at hinigit ko ang aking hininga. Para kasing nakalimutan ko ng huminga sa mga sinabi niya.

“Robi!” sigaw ni Angel sa likuran ko. “Ano ba ang pinagsasabi mo?”

Nakita kong ngumisi lang ang gagong lalaking ito at humarap sa akin. “I’m his fiancée. Matagal ko ng hininga ang kamay ni Kath sa mga magulang niya.”

“Robi!” bulyaw ni Angel sa kanya. “Pwede ba –”

“Walang lugar ang isang tulad mo sa buhay naming dalawa,” putol ni Robi sa dapat sasabihin ni Angel. Nakatuon lang ang pansin niya sa akin. “I can’t believe you. Paano mo naatim kunin si Kath sa amin? Alam mo bang halos mamatay sa pag-aalala si mama? At si papa...hindi na halos makapasok sa trabaho dahil sa pag-aalala kay Kath!”

Napasinghap naman si Angel.

“Palibhasa kasi sa’yo, sarili mo lang kaligayahan ang iniisip mo. Kaya pwede ba...kukunin ko na ang dapat sa akin...” anas niya. Itinulak niya ako sa tabi at pwersahang kinuha ang kamay ni Angel.

Nakatingin lang si Angel sa akin. Parang hinihintay niyang bawiin ko siya.

Pero hindi ko alam kung bakit parang hindi ako makalaban.

Parang hindi ako makasalita.

Tiningnan ko lang na kinaladkad siya palayo sa akin...palayo sa isla at palayo sa buhay ko. Napaluhod ako at doon na ako umiyak.

Will You Change for Me? (KathNiel)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant