Chapter Fourteen

19.9K 383 27
                                    

Chapter Fourteen

HINDI na ako halos makahinga ng makarating kami sa kwarto niya at hinulog niya ako sa kama niya. Ipinikit ko ang mga mata ko at naramdaman kong umupo siya sa may paanan ko.

Maingat niyang iniangat ang injured na paa ko at halos mapatid na ang hininga ko ng hinaplos niya ito.

Naramdaman ko na lang na malamig na ang parte ng paa ko na hinaplos niya. Binuksan ko ang mga mata ko at nakita siyang nilalagyan ng ointment ang paa ko.

Napatayo ako bigla.

“Disappointed?” tudyo niya sa akin.

“H-Hindi ah!” sagot ko naman na nauutal.

Pinagpatuloy lang niya ang pagmasahe sa paa ko habang ako nakatingin sa mukha niya. Lumingon siya sa akin at agad kong kinuha ang tingin ko sa kanya. Kunyari busy ako sa kakatingin sa kwarto niya.

“Alam kong telepono ang hinahanap mo. Sinasabi ko sa’yo, wala kang makikitang telepono dito,” sabi niya sa akin.

Hindi na lang ako nagsalita. Ayokong lumaki pa ang gulo. Kapag sumagot ako, hindi siya magpapatalo at sasagot rin siya.

Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya ng maramdaman kong wala na sa akin ang atensyon niya. Inilalagay na niya ang ointment pabalik sa first aid kit. Tumayo na siya.

“Matulog ka na ng maaga. Bukas maaga kitang ipapasyal sa kabuuan ng resort,” paalala niya.

Dahan-dahan akong tumayo at sarkastikong ngumiti sa kanya. “Okay.”

Paika-ika akong naglakad. Hindi pa ako nakakalayo ng na-out of balance ako at madadapa nanaman sana. Pero pumunta siya kaagad sa harapan para saluhin ako.

Nakalagay ang kamay niya sa bewang ko samantalang ang akin naman ay sa dibdib niya.

Nagkatinginan kaming dalawa.

Hindi ko namalayan na unti-unti na niya palang ibinababa ang mukha niya. Nakapikit na kaming pareho ng magtama ang mga labi namin. Nung una, mababaw lang ang halikan namin. Tinatantiya namin ang isa’t isa. Hanggang sa hawakan niya ang batok ko at idiniin pa lalo ang labi niya.

Nagsimula ng maglaro ang mga labi namin. Iniatras niya ako sa kama niya at nahulog kaming pareho dito. Nasa tuktok siya at patuloy pa rin ang halikan naming dalawa.

Huminto siya ng ilang segundo para hubarin ang t-shirt niya at pinagpatuloy niya ulit ang paghalik sa akin. Mapusok, malalim, nakakadarang.

“Daniel...” ungol ko at ipinikit ko ng madiin ang mga mata ko.

Will You Change for Me? (KathNiel)Where stories live. Discover now