Chapter Four

26.6K 507 28
                                    

Chapter Four

“KAWAWA naman yung bacon mo...” sabi ni Robi.

Kumunot ang noo ko at tiningnan ko ang magaling kong kapatid. Umiinom siya ng kape at nung makita niyang naguguluhan ako ay ngumuso siya sa plato ko.

Wala sa sariling tiningnan ko ang plato ko at ngumiwi ako. Tinusok ko ng tinidor ang gula-gulanit na bacon ko.

Ang dami ko kasing iniisip. Hindi nga ako masyadong nakatulog kagabi dahil naguguluhan ako. Hindi ko kasi alam ang dapat kong maramdaman para kay Daniel.

Isang taon ko na siyang kilala. Naging crush ko siya nung unang beses kaming magkita. Pagkatapos, pilit kong itinago at kinalimutan iyon dahil nalaman kong playboy siya. Ngayon naman, napansin na niya ako at kinukulit, parang isinampal sa mukha ko lahat ng feelings ko one year ago.

Ayokong bigyan ng meaning lahat ng pinapakita niyang maganda sa akin. Magaling mambola ang mga playboy. Wala akong mapapala sa kanya.

“May problema ka ba? Kanina ka pa tulala?” tanong ni Robi.

Umiling ako.

Pag malaman ni Robi ang problema ko, tiyak mang-aasar lang ito at isusumbong kina Papa at Mama.

Bumuntong-hininga ako. Gusto kong sumigaw, seryoso!

“Good morning kids,” bati sa amin nina Mama at Papa.

Pumasok sila sa dining room na naka-holding hands at may ngiti sa kanilang mga labi.

“Wow! Good mood si Papa. Naka-score ba kay Mama?” saad ni Robi na nakangisi.

Nakita kong namula si Mama at hinampas sa balikat ang kapatid ko bago hinalikan ito sa noo. Sa Papa naman, tinapik lang balikat ni Robi at tinaas-baba ang kilay. Lumapit naman sina Mama at Papa sa akin at hinalikan ako sa noo.

“So anong atin?” sabi ni Papa at tinulungang umupo si Mama sa upuan niya bago pumunta sa pwesto niya sa mesa.

“May problema ang babe ko Papa. Ayaw niyang sabihin sa akin,” pagmamaktol ni Robi.

Nirolyo ko ang mga mata ko at inabot ang hot chocolate para inumin.

“Baka naman dahil sa lalaki!” Humalakhak si Papa.

Nasamid naman ako sa sinabi ni Papa at napaubo.

Nanlaki ang mga mata ni Robi. “Lalaki nga?! Sino? Saan? Kailan? Paano?”

“Kumalma ka Robi. Wala akong problema sa lalaki. Nasamid lang ako,” wika ko. Nilagay ko ang hot chocolate sa mesa at nagkibit-balikat.

Will You Change for Me? (KathNiel)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora