Chapter Seven

23.8K 393 17
                                    

Chapter Seven

INAANTAY ko si Daniel sa tapat ng gate ng bahay namin. Susunduin niya ako para sa date mamayang 7 o’clock. Nakasuot lang ako ng casual clothes dahil iyon ang request niya. Tumingin ako sa bahay naming. Hindi ko naman siya mayaya sa loob dahil nandoon si Robi. Tiyak na rumble ang mangyayari pag nagharap ang dalawa. Ang alam pa naman ni Daniel na boyfriend ko ang kapatid ko.

Bumuntong-hininga ako. Kapag napatunayan na niya sa akin na talagang gusto niya ako, tsaka ko na lang sasabihin na kapatid ko si Robi at hindi kasintahan. Sana naman hindi siya gaanong magalit pag dumating na ang araw na iyon.

Kumunot ang nook o at umiling. Bakit ba parang sure ako na darating ang araw na iyon? Marahan kong sinampal ang sarili ko. Tumigil ka, Kath. Paganahin ang utak, huwag ang puso.

“Iniingatan kita, pero ikaw naman itong nananakit sa sarili mo.”

Lumingon ako at nakita ko si Daniel sa gilid ng kanyang sasakyan. Dahil sa kaiisip ko ng bagay-bagay hindi ko narinig ang pagdating niya. Napaawang naman ang bibig ko ng dumako ang tingin ko sa sasakyan niya. Isang Dodge Challenger lang naman ang dinala niya para sunduin ako.

Ang yaman talaga ng isang ito at hindi man lang nahiya na ipagmalaki ang yaman niya.

Lumapit na siya sa akin at inangat ang kamay niya sa pisngi ko. Marahan niya itong hinimas ang parte na sinampal ko kanina.

“Bakit mo ba sinasampal ang sarili mo?” tanong niya.

Umiling ako. “Ang dami kasing lamok. Ang tagal mo kasi.”

“Kasalanan ko pa pala,” sabi niya. “Sorry hah. Traffic kasi.”

“A-Ayos lang. Tara na?” saad ko.

Ibinaba na niya ang kanyang kamay at tumingin sa bahay namin. “Ipapagpaalam muna kita sa mga magulang mo. Baka magalit sila na itinakbo na kita.”

“Hindi na. Nakapagpaalam na ako,” tugon ko naman.

Hindi sila dapat magkita ni Robi!

“Pero –”

Pinutol ko kaagad ang sasabihin niya. “Huwag makulit. Tara na Daniel.”

“Okey, Angel. Kung ito ang gusto mo.” Ngumisi siya at kinuha ang kamay ko.

Babawiin ko sana ito pero hinigpitan niya ang hawak.

Dinala niya ako sa sasakyan niya at pinagbuksan ng pinto. Inalalayan niya akong umupo tsaka umikot papuntang driver’s seat. Nang makaupo na siya, nilingon niya ako at kinuha ang seatbelt para siya ang magkabit noon.

Will You Change for Me? (KathNiel)Where stories live. Discover now