Chapter Seventeen

23.4K 363 15
                                    

Chapter Seventeen

“GUSTO kong sumakay ng kabayo!” pagmamaktol ni Janella.

Nakanguso siya at nakakapit na parang tuko sa braso ni Daniel. Kanina ko pa siya gustong hablutin palayo kay Daniel at itapon sa dagat. Hindi kasi matigil ang pagpapa-cute niya. Akala naman niya naapektuhan si Daniel. Kanina pa kaya nakatitig iyon sa akin. Kung wala siguro si Janella, hindi magdadalawang-isip iyon na ikulong kaming dalawa sa kwarto niya at gumawa ng kababalaghan.

Naramdaman ko ang init sa mga pisngi ko. Namumula nanaman ako. Bakit ko ba kasi naisip iyon?

“Okay...Sasakay na...” sagot ni Daniel.

Naglakad kaming tatlo papunta sa kwadra ng mga kabayo. Tumabi sa akin si Daniel at inakbayan ako. Nilapit niya ang labi niya sa tenga ko.

“I saw you blushing a while ago...” bulong niya. “Thinking about me again?”

Siniko ko siya. “Ang kapal-kapal ng mukha mo.”

Ngumisi lang siya. “Don’t worry Angel. I’m thinking about you too. About how I’m going to undress you and make love to you all night –”

Agad kong tinakpan ang bibig niya. Pwede na siguro ibenta ang mukha ko sa palengke. Mukhang papasa na bilang kamatis. “Yung bibig mo hah!”

Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ang palad ko. “Miss na miss kita.”

“Kanina pa kaya tayo magkasama,” sabi ko sa kanya.

“Miss na kitang halikan at ipakita sa’yo kung gaano kita kamahal. Eto kasing si Janella, ang daming demands. Kailan kaya siya uuwi doon sa states?” aniya.

“Uyyy...Ang bad mo...” suway ko sa kanya.

Ngumuso lang siya. “Kasi naman, miss na miss na kita. Gusto na kitang halikan, gusto na kitang yakapin, gusto na kitang lambingin kaso di ko magawa kasi every time na mag-aattempt ako biglang dadating si Janella. May radar ata ang babaeng iyon.”

Tumawa naman ako sa sinabi niya.

Kinuha ko ang braso niyang nakaakbay sa akin at inilagay iyon sa bewang ko. Pinalupot ko naman ang mga braso ko sa leeg niya.

“No one can stop me from kissing you,” saad ko at agad siyang hinalikan sa kanyang mga labi.

Agad naman niyang tinugon ang mga halik ko. Kinabig niya ang ulo ko para mas lalong madiin ang halikan namin.

“Ano ba?! Gusto ko ng sumakay ng kabayo!!” sigaw ni Janella.

Napatalon kaming dalawa dahil sa boses ni Janella at agad na naghiwalay. Masama ang tingin niya sa amin, lalo na sa akin. Parang gusto niya akong patayin sa mga titig niya.

Will You Change for Me? (KathNiel)Where stories live. Discover now