Chapter Fifteen

23.2K 365 20
                                    

Chapter Fifteen

INALALAYAN ako ni Daniel papunta sa kwadra ng mga kabayo. Hawak-hawak niya ang bewang ko at nakangiti siya sa direksyon ko. Ngumiti ako sa kanya pabalik.

“Bakit ka nakangiti?” tanong ko sa kanya.

“Masaya lang ako,” sagot niya. “Ngayon lang ulit ako naging masaya ng ganito.”

Hinawakan ko ang braso niya para pigilan siyang maglakad. Hinarap ko siya at nakita kong nagtatanong ang kanyang mga mata.

Ngumiti lang ako. Hinawakan ko ang pisngi niya at inabot ang kanyang mga labi. Binigyan ko siya ng mababaw pero matagal na halik.

“Ang sarap naman nun,” wika niya pagkatapos ng halikan namin. Ngumiti siya at inilagay ang kanyang noo sa noo ko.

Ramdam ko ang mainit niyang hininga sa pisngi ko.

“Tara na,” aniya. “Nag-aantay na sa atin si Angelica.”

“Angelica?” saad ko. “Sino yun?”

Natunugan niya siguro ang selos sa boses ko kaya naman humalakhak siya.

“Yung kabayo na binili ko para sa’yo yun,” tugon niya. “Ikaw naman. Selosa.”

“Hindi ako nagseselos noh,” pagtanggi ko at kumalas sa mga braso niya.

Naglakad ako palayo sa kanya pero nahabol niya ako at hinapit sa bewang. Nakangisi siya at niyakap niya ako. “In denial ka naman kasi masyado. Wag ka ng magtampo, okay? Kababati nga lang natin kanina eh.”

“Opo,” sabi ko naman.

Hawak-kamay kaming nagpatuloy sa paglalakad papunta sa kwadra ng mga kabayo. Giniya niya ako sa kabayo na kulay puti. Napakaganda ng kabayo at halatang alagang-alaga ito.

“Ito si Angelica,” pagpapakilala niya.

Marahan niyang tinapik-tapik ang mga puting balahibo nito. “Binili ko ito para sa’yo nung pumunta ako sa ibang bansa. Kapag nakikita ko kasi si Angelica, naaalala kita.”

“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko. “Na para akong kabayo?”

Napatigil siya sa paghimas ng balahibo ni Angelica at tumawa ng malakas.

“Hindi naman sa ganun Angel,” aniya. “Pero nung una ko kasing nakilala si Angelica, mailap siya sa kahit na kanino. Kailangan ko siyang amuhin para mapalapit siya sa akin. At isa pa, puti...Anghel ang naaalala ko kapag nakakakita ako ng puti at ikaw iyon, Angel.”

Will You Change for Me? (KathNiel)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن