Chapter Eight

23K 443 18
                                    

Chapter Eight

NAKASAKAY ako sa magarbong sasakyan ni Daniel. Tulad ng dati, hindi niya ikinahihiyang ipagmalaki na galing siya sa mayamang pamilya. Ito na yung dinadala niya simula ng payagan ko siyang patunayan sa akin na gusto niya talaga ako. I think nagpapa-impress siya sa akin.

Sa ngayon, pinagtatalunan pa naming ang kagustuhan niyang ihatid ako sa bahay. Paano na lang kung magkasalubong sila ni Robi, di ba? Tiyak na gulo ang ending noon.

“Are you alright?” tanong niya sa akin.

Tumango naman ako at tumingin na lang sa labas ng bintana.

Napabuntong-hininga siya. “Look...Kahit hanggang gate lang, kahit di ko na ipasok ang sasakyan ko sa mansion niyo. Basta masigurado ko lang na safe ka.”

“I could call my driver or Ro –”

Pinutol niya ako kaagad. Nakita ko sa bintana ang repleksyon niya na parang nasasaktan. “I just want to spend more time with you. Remember we only have two weeks left.”

Ibinalik na niya ang buong atensyon niya sa daan. Sa tingin ko iniiwasan talaga niya ang topic tungkol kay Robi. Nakonsensya naman ako tungkol doon.

“I’m sorry.” Hindi ko maiwasang humingi ng paumanhin sa kanya.

Ngumiti lang siya at tiningnan ako ng mabilisan bago itinuon ulit ang tingin sa daan.

Humugot ako ng malalim na hininga bago ibalik ulit ang atensyon ko sa mga nagdadaang tanawin sa bintana ng kotse niya.

Nanlaki ang mga mata ko ng makakita ako ng perya. It’s been years since the last time I’ve been there with Robi.

“Daniel, stop...” utos ko.

Kumunot ang noo niya at nagtataka pero sinunod niya pa rin kung ano ang sinabi ko. Pinarada niya ang sasakyan at tumingin sa akin.

“What is it? Did I do something wrong again?” tanong niya.

“Wala...” Umiling ako at ngumuso sa perya. “Let’s go there.”

Tumingin siya sa direksyon na tinuro ko at lalong kumunot ang noo niya.

“Ano yan?” wika niya.

Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kanya. “Seryoso ka? Hindi mo alam kung ano ang perya?”

“Perya? I’ve heard of it pero never had a chance to go in one. Is it like a cheap version of Star City and Enchanted Kingdom?” aniya.

Ngumisi ako. “Rich kid.”

Sumimangot siya at humalukipkip.

Will You Change for Me? (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon