Chapter Ten

22.1K 383 19
                                    

Chapter Ten

“GUSTO mo ba ng tubig, Angel?” tanong ni mokong sa akin.

Kanina niya pa ako kinukulit. Kada minuto nagtatanong siya kung gusto ko bang kumain o kung nauuhaw ba ako. Naitanong na rin ata niya kung naiinip na ba ako at gagawa siya ng paraan para mapasaya ako.

Ang weird lang talaga ng isang ito.

“Hindi ako nauuhaw...” sagot ko sa kanya. “Isa pang sagot, itatapon na kita sa dagat.”

Ngumiwi siya at sumandal sa railings ng maliit na barko na sinasakyan namin. Papunta na kami sa destinasyon ng aming immersion. Sa isang maliit na isla na malapit sa Palawan ang lugar na pupuntahan namin kaysa sa una naming napag-usapan na kabundukan. Sabi kasi ng facilitator naming, mas gaganahan daw kami kapag bago ang environment at malayo talaga sa syudad.

“Nasa tabi mo na ako, wag mo na ko masyadong pagkaisipin...” banat ni Daniel sa tabi ko.

Nirolyo ko ang mga mata ko at marahang sinapak ang kanyang balikat. “Sira ka talaga. Bakit naman kita iisipin? Sino ka ba hah?”

“Ouch naman...” sabi niya. Humawak siya sa dibdib at umarteng nasasaktan. “Samantalang ikaw, iniisip kita bawat segundo ng buhay ko.”

“Alam mo ang corny mo! Umalis ka lang sa Manila, lalo kang naging corny! Isa pang banat diyan at lulunurin talaga kita sa dagat,” wika ko.

Tumawa lang siya at pasimpleng inakbayan ako.

Siniko ko siya ng malakas at napabitaw siya.

“Grabe ka naman! Ang sama mo talaga sa akin,” pagrereklamo niya.

Ngumuso ako.

“Sige, patulusin mo pa yang nguso mo. Baka mahalikan ko yan,” tudyo niya sa akin.

Namula naman ako at tumalikod. Biglang bumilis ang pintig ng puso ko ng maalala ko ang halikan naming dalawa sa condo niya. Grabe, bakit parang nag-uunli yung mga eksenang iyon sa utak ko?

Nakakainis.

Bakit ang laki ng epekto niya sa buhay ko?

SINALUBONG kami ng mayor pagdating namin sa isla. Nakangiti siya at sinamahan pa kami sa bahay na pansamantalang tutulugan namin. May limang kwarto na binigay para sa amin. Isa sa mga facilitator, dalawa sa mga boys at dalawa rin sa mga girls. Buti na lang hindi kami magkasama sa kwarto nina Hito at ni Julia Barretto kundi baka magkaroon ng world war three ng wala sa oras.

Will You Change for Me? (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon