Chapter Sixteen

27.8K 406 33
                                    

SPG.

Chapter Sixteen

BIGLA akong tumayo at pinunasan ang bibig ko ng table napkin. Padabog kong inilagay iyon sa mesa na siya namang kumuha sa atensyon nung babae.

“Tapos na akong kumain,” anunsyo ko at tinalikuran sila para umalis.

“Angel!!” tawag ni Daniel sa akin.

Hindi ko siya pinansin. Dali-dali akong pumunta sa kwarto ko at ni-lock iyon. Pumunta ako sa kama at inis na umupo.

Nakakainit talaga ng ulo ang mga pangyayari kanina. Hindi ko alam kung kanino ako mas naiinis, kay Daniel ba o sa honey niyang naka-shades kahit gabi.

Itinaas ko ang mga paa ko at niyakap ang mga binti ko. Isinubsob ko ang ulo ko sa mga binti ko at nakaramdam ako ng sobrang lungkot.

“Angel?” rinig kong sigaw ni Daniel sa labas ng kwarto ko.

Katok lang siya ng katok.

Hinayaan ko na lang siya dahil magsasawa rin iyan mamaya.

“Angel, please open the door. We need to talk. Please, Angel...” pakiusap niya.

Nanatili akong tahimik.

Hindi ko pa siya kayang harapin. Naiinis pa rin ako. Baka may masabi lang ako na pagsisihan ko pagkatapos. Isa pa, baka mamaya katabi niya yung honey niya, sabihin pa niya sa akin na ayaw na niya sa akin dahil mas sweet yung honey niyang lagi niyang kasama sa states.

Bigla akong natakot sa mga iniisip ko. Napaangat ako ng ulo at bigla na lang tumulo ang luha ko. Agad ko iyong pinunasan pero hindi pa rin ito tumitigil sa pagtulo.

“Angel...” rinig ko pa rin ang boses niya sa labas ng kwarto ko. Hindi pa rin ako umimik at nagtalukbong na lang ng kumot.

Isipin ko lang iiwan niya ako para sa ibang babae ay masakit na.

Bakit ba kasi may honey siya eh?

NARAMDAMAN kong may humawak sa pisngi ko at marahang hinaplos iyon. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Hindi ko akalaing makakatulugan ko ang pag-iyak.

“Umiiyak ka nanaman.”

Iniangat ko ang paningin ko at nakita ko si Daniel na nakaupo sa gilid ng kama ko. Nakangiti siya ng malungkot.

“Huwag ka ng umiyak. Wala lang iyon si honey. Naging kaklase ko siya sa states. Naging partners kami sa isang malaking project nung graduating na ako kaya lagi kaming magkasama. Pero taliwas sa iniisip mo, there’s nothing going on between us. She just assumed at dahil tamad ako, hinayaan kong isipin niya ang gusto niya isipin,” paliwanag niya sa akin.

Will You Change for Me? (KathNiel)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang