Humagolhol ako doon habang yakap yakap yung ultrasound picture ng anak namin. Tama lang ang ginawa niya, tama lang na iwan niya ako kasi napakawalang kwenta 'kong asawa, napakairesponsable ko, napakatanga ko, napakahina ko, napakatigas ng ulo ko, at napakabobo ko. Tama lang 'tong mga nangyayare sakin. Wala akong karapatan na magreklamo sa karmang nararanasan 'ko ngayon kasi ako lang naman ang gumawa nang lahat ng 'to. Bunga 'to ng pagiging pabaya ko.

Iyak nalang ako ng iyak doon hanggang sa naubusan nalang ako ng luha. Niyayakap ko ang sarili ko habang humihikbi pero hindi na umiiyak. Huminahon na ang sarili ko. Pagod na ang katawan ko. Pagod na isip ko. I need to take some rest.

Umakyat ako papunta sa kwarto dala-dala yung ultrasound na picture. Pagkarating ko doon, inilgay ko yun sa ibabaw ng drawer ko at humiga na ako. Napatitig ako sa ceiling at nakinig sa katahimikan, pinapakalma yung sarili but minutes past tumayo nanaman ako at nagbihis. I need a drink.

Nagbihis ako ng mabilis. Nakashirt lang ako at jeans then sandal. Lumabas ako ng bahay at naglakad palabas ng subdivision para makasakay ng Taxi.

When I arrive at the restobar medyo madami dami nang tao ang nandoon. May nakikita akong nagiinuman sa labas, sa kotse na nakaupo, may mga nagyo-yosi lang, at naririnig ko na rin yung banda. Napatingin ako sa relo ko and it states that 11:23pm na.

Pumasok ako sa loob at umupo sa pangdalawahan na pwesto. Nagorder ako ng isang bottle ng tequila at ilang minuto ang lumipas dumating na yun. Kaagad kong nilagyan yung shot glass ko para makainum. Nung naka dalawang shot na ako naptingin ako sa paligid ko, lahat sila may kasama at nagtatawanan, ako lang yata ang malungkot dito.

"Goodevening Reav's!" Naghiyawan naman ang mga tao nung narinig nila ang pagsasalita nung lalake na nasa stage. Tinanggal ko yung tingin ko doon at ininum
nanaman yung shot ko.

"Today magthro-throwback thursday tayo. Sino fan ng Menudo dito?" Napatingin ako ulit sakanila at madaming nagtataasan ng kamay, may iba ring suggest ng kanta, at meron ring tahimik lang kagaya ko.

"Pwes doon sa mga may alam pwedeng sumabay kayo sa chorus?" The crowded agreed and they start playing the instruments.

Gotta catch that plane at 7:30
Why haven't you come to say goodbye
Time is running out and I'm still waiting
I'm so lost without you, I could die

I know this song at nananadya sila.

Yesterday you said you loved me
Everything seemed to be fine
Today you're not here, I'm so lonely
It's the waiting that's driving me out of my mind

Nasa kalahati na ako ng baso habang nakikinig nung kanta at nakatitig sa mga tao ng may tumayo sa gilid ko na lalake kaya napatingala ako.

"Can I join you?"

"Ah... okay"

Don't know how I'll sing in that big city
How can I perform if you're not there
This will be the worst of all my journeys
The image of your face will follow me everywhere

"Thanks. Bakit magisa ka lang?" Kaagad niyang tanong pagkaupo niya. Gusto ko sanang magtaas ng kilay kasi sino ba siya para magtanong sakin niyan?

"Tulog na mga kakilala ko" I plainly said then tumango-tango siya. Uminum ako ng shot at napatingin sakanya na nakatitig lang saakin. What's wrong with this guy?

Broken MarriageΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα