Chapter 20

17.9K 318 20
                                    

HILLARY

I keep on walking back and forth in my room. Kinakabahan ako at parang sasabog ang dibdib ko sa tuwa. This is it, Hillary. Ikakasal ka na sa long time crush mo.

I am wearing a long white dress. Nakasuot din ako ng silver na high heels at nasa vanity table ko ang bouquet ko. Kami ni Grayson ang personal na bumiling mga damit namin at hindi kami umasa sa mga designer na kinuha ng mga grandmothers namin.

"Can you stand still? Or sit down? Nahihilo ako sa'yo!" nakasimangot na sabi ni Thalia

Kanina pa ito nakasimangot at halatang nagtatampo pa rin na hindi ko sinabi agad ang pagpapakasal namin ni Grayson. Kahapon lang nito iyon nalaman kaya naiinis niya.

"I'm nervous!" reklamo ko sa kanya

"Para namang hindi ka kinasal dati." nakairap na sabi nito

"That was different! That was Darnell!" angil ko sa kanya

"Kasal pa rin 'yon." argumento naman nito

"Pero Thalia, natatakot kasi ako na natutuwa na ewan. Paano kung biglang mapagtanto ni Grayson na hindi ako worth it para sa kanya? Hindi ko kakayanin 'yon." naiiyak na sabi ko sa kanya

Lumambot ang mukha nito at nilapitan ako.

"Anong gusto mong gawin ngayon? Gusto mong wag nalang ituloy ang ikasal niyo?" nag-aalalang na tanong nito sakin

Mabilis akong umiling sa sinabi niya. Hindi sumagi sa isip ko na gawin iyon.

Napatalon ako sa gulat nang biglang bumukas ng malakas ang pinto. Niluwa noon ang galit na mukha ni Grayson kaya agad akong kinabahan.

"Ayaw mo ba akong pakasalan?" mariing tanong nito

"Gusto ko!" mabilis na sagot ko sa kanya

Kumalma ang ekspresyon ng mukha niya nang marinig ang sagot ko. Doon ko napagmasdan ang ayos nito. Maayos ang buhok niya at nakasuot siya ng navy blue na three piece suit dahil iyon ang gusto ko. Gusto kong makita siyang nakaputi sa ikalawang kasal namin.

Napakagwapo talaga niya at naaamoy ko ang mabangong pabango niya. Lagi ko siyang nakikitang nakatuxedo pero iba pala pag nakatuxedo siya dahil kasal namin.

"You're breathtaking, love." he said while looking at me with full admiration

Para akong teenager na namula sa sinabi niya. Hindi talaga siya pumapalya sa pagpapakilig sakin.

"Ikaw din. Gwapo tsaka mabango." nahihiyang sabi ko

He let out a delicious laugh.

"Bakit nandito ka?! Bawal makita ng groom ang bride dahil hindi matutuloy ang kasal!" asik ni Thalia at hinampas pa si Grayson

Nawala ang kislap ng kasiyahan sa mata ni Grayson. Dumilim ang kulay abong mata nito at naka-igting ang panga na hinarap si Thalia. Mukhang nakaramdam ng takot ang kaibigan ko nang makita ang pinsan sa ganoong anyo.

"Sino ang p-tangina na nagsabi niya'n? Iharap mo sakin ako nang masiguro ko na hindi na siya makakahinga ulit." his voice roared like a thunder

Mukhang natakot talaga si Thalia at mukhang hindi nito inasahan ang inaktoni Grayson.

"It was a saying from old people!" mabilis na depensa nito

"Why would I believe those old people that you're pertaining to when I don't even know that they damn existed? It was called a saying because it's not true." matalim na sabi naman ni Grayson

Magsasalita pa sana si Thalia nang pumasok si Tita Selena sa kwarto ko. No, more like sumugod dahil namumula ang magandang mukhang nito habang nakatingin kay Grayson.

The Wife's AgonyWhere stories live. Discover now