Chapter 10

29.8K 560 46
                                    

Nasa sala ako at nakaupo sa sofa habang nanonood ng TV. Maaga akong nagising dahil iba nasanay na ang katawan ko sa oras sa London. May usapan din kami ni Thalia dahil nalaman niya na nakabalik na ako sa Pilipinas kaya hinihintay ko siyang dumating.

"Anong oras daw darating si Thalia?" tanong ni Grayson na nakasuit habang pababa siya sa hagdan

"Hindi ko alam. Magpapaalam pa daw siya sa manager niya eh." sagot ko sa kanya

Sikat na artista si Thalia kaya kailangan pa niyang magpaalam sa manager niya lalo na't kakatapos lang ng shooting ng latest movie niya.

"Will you be okay here? Kailangan ko na kasing magpunta sa firm." paalam nito habang nakasiksik nanaman sakin

Hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala siya at nakasiksik sakin dahil nakatuon ang atensyon ko sa TV. Amoy na amoy ko ang mabangong pabango nito at kahit gusto kong malapit siya sakin, tinulak ko siya palayo dahil baka magusot yung polo niya.

"Magugusot yung polo mo." paliwanag ko sa kanya nang makita kong napasimangot siya

"Gusto kitang yakapin." nakasimangot pa rin na sabi nito

"Magugusot nga yang damit mo at bakit ka ba sumisiksik sakin? Ang luwang ng sofa, oh. Ang swerte mo naman na manliligaw, nakakayakap ka sakin." nakairap na sabi ko rito

"So? Gusto mo naman, diba?" nakataas ang isang kilay na sabi nito sakin

Namula ako sa sinabi niya dahil alam ko naman na totoo iyon. Ang prangka talaga ng bibig ni Grayson minsan. Ang sarap busalan para hindi na siya makapagsalita pa.

"Sir, handa na po yung kotse." sabi ni Mang Eugenio

Tumayo naman agad si Grayson at sakto na tumunog ang hawak kong cellphone ko. Sinagot ko agad ito nang makita ko ang pangalan ni Thalia sa screen.

[Hillary! Oh my gosh. I'm really sorry. I can't make it. May biglaang taping kami eh. Sorry talaga!] bungad ni Thalia sakin

Napabuntong-hininga ako sa sinabi niya. Hindi ko naman siya masisi dahil alam ko naman na hindi niya basta pwedeng iwan ang taping niya.

"I have to go. What did Thalia said?" baling sakin ni Grayson

"She can't make it. May biglaang taping daw siya." sagot ko sa kanya at malalim na huminga

I've been looking forward to see her. Ilang buwan na noong huli ko siyang nakita daw hindi naman siya madalas na dumalaw samin sa London.

"You can go with me if you want." biglang sabi ni Grayson kaya napatingin ako sa kanya

Napatitig ako sa kanyang mabuti para masiguradong seryoso siya sa sinabi niya. He never joke though kaya malamang ay seryoso siya. I really want to go with him pero baka makaistorbo lang ako sa kanya doon.

"I'm fine, Gray. Pupunta nalang ako sa mall para maglibang." umiiling na sabi ko sa kanya

He shook his head showing that he's not pleased on what I said.

"No, Hillary. I won't let you go all by yourself. This is not London, this is Philippines." nakakunot ang noong sabi nito

I rolled my eyes in annoyance. That's my point. This is Philippines and I grew up in Philippines. Kaya kong pangalagaan ang sarili ko sa bansang kinalakihan ko.

"Stop being over protective to me, Gray. Hindi na ako bata." napapailing na sabi ko sa kanya

Umigting ang panga nito at tinitigan niya muna ako ng matagal. Pinantayan ko ang titig niya at nang mapansin niya na hindi niya ako mapipilit, bumuntong-hininga siya at mabilis na pinasadahan ng kamay niya ang buhok niya na ngayon ay magulo na.

The Wife's AgonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon