"You will go with me in London, Hillary." matigas na sabi ni lola

Napaayos ako ng upo sa sinabi ni lola. Mabuti nalang at wala dito ang asawa ko kundi baka sabihin niya na gusto ko siyang takasan.

"I will stay here, Lola. Hindi ko pwedeng iwan ang asawa ko." seryosong sabi ko

Sarkastikong tumawa sakin si Lola at binigyan ako ng masamang tingin.

"Asawa? Asawa nga ba, Hillary? Hindi ka tinuturing na asawa ni Darnell. Umpisa palang ayoko na sa kanya dahil alam kong wala siyang gagawing maganda at hindi siya nababagay sa'yo. Kung sana'y si Grayson ang pinakasalan mo matutuwa pa ako." mariin na sabi ni lola

Napayuko ako sa sinabi niya dahil lahat iyon ay totoo. Napilitan lang naman si Darnell na pakasalan ako dahil nalaman nila na may nangyari samin noong birthday party ng mommy niya. We were drunk that night pero wala akong pinagsisihan doon dahil naging daan iyon para mapasaakin siya. Pumayag ako agad nang sinabi nila na ipapakasal kami. Tinutulan iyon ni Darnell at ng lola ko pero wala silang nagawa dahil kagustuhan din iyon ng mga magulang namin.

"Dalawang taon na kayong kasal, Hillary. Alam ko na nagpapanggap lang kayo na maayos ang pagsasama sa harap ng magulang niyo pero hindi niyo ako maloloko." matigas na sabi ni lola kaya mas lalo akong hindi nakaimik

Si lola ang pinakakinatatakutan ko sa lahat dahil iba siya kung magalit pero alam ko na gusto niya lang na maging masaya ako. At pag may sinabi siya walang makakapigil sa kanya.

"Pack your things." her voice is full of authority and her british accent makes it more powerful

Gulat na tinignan ko si lola at mabilis na umiling ako sa kanya. Hindi ko pwedeng iwan si Darnell. Mamahalin niya rin ako nararamdaman ko yun.

"Let me stay here, lola. H-Hindi ko kayang iwan ang asawa ko." naiiyak na sabi ko

Matalim akong tinignan ni lola kaya sinalubong ko ang tingin niya para malaman niya na hindi ko iiwan si Darnell. Iyon ang katangiang namana ko kay lola, pag may desisyon ako, pinapanindigan ko ang bagay na iyon at wala ng makakapagpabago pa nun.

Bumuntong hininga si lola at tumayo.

"Three months, Hillary. I'm giving you three months to fix your relationship with Darnell. Pag walang nangyari sa tatlong buwan na iyon, ako na mismo ang kakaladkad sa'yo palayo sa kanya. I will never let you make the same mistake again, Hillary."


~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

This is a work of fiction. Names, characters, business, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

The Wife's AgonyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!