Chapter 24

14K 305 19
                                    


Nagising akong nasa isang hindi pamilyar na lugar. Napabalikwas ako nang bangon nang maalala ang mga anak ko. Naalala ko ang nangyari kanina at mabilis akong bumangon sa kama.

Si Darnell! Sigurado akong siya ang nagdadrive kanina! Siya iyon!

Nagtungo ako sa pinto at nakahinga ng maluwag nang malaya ko itong mabuksan. Akala ko ay kinandado niya ito sa labas. Tumakbo ako sa hallway at agad na hinanap ng mata ko ang mga bata o si Darnell. Tinungo ko ang hagdan at nagmadali akong bumaba. Papaliko na sana ako sa kusina nang lumabas doon si Darnell.

Nakapambahay ito at mukhang nagulat nang makita ako. Nanginig ang katawan ko sa galit at umigkas ang kamay ko sa pisngi niya. Nandidilim ang paningin ko dahil sa panginginig sa galit.

"Nasaan ang mga anak ko?! Pag may nangyari sa kanila, hindi ko alam kung ano ang kaya kong gawin sa'yo! Ikaw ba ang nag-utos na ipadukot ang anak ko?!" galit na sigaw ko sa kanya

His face showed guilt and sadness but I didn't care at all. I won't show mercy on him if something happens to my children. Hinding-hindi ko siya mapapatawad pag nalaman kong may kinalaman nga siya sa nangyari kay Kairo.

"Ganoon na ba kasama ang tingin mo sa'kin? Do you hate me that much?" seryosong tanong nito pero bakas sa mukha nito ang kalungkutan at sakit

"I don't hate you. Loathe is even an understatement for what I feel. I abhor you!" mariing ani ko sa kanya

Hindi ako natinag sa malungkot niyang tingin sa akin at kahit ang pag-awang ng labi niya sa gulat dahil sa sinabi ko.

"Are you still blaming me for what happened to our child? You know you're at fault, too!" inis na depensa nito

I laughed with full sarcasm and looked at him sharply.

"Yes, I'm at fault. Kasalanan kong naghangad pa akong magbabago ka para sa anak natin. Kasalanan ko dahil gusto ko siyang bigyan ng buong pamilya kahit na gustung-gusto ko ng umalis sa buhay mo. Sa dalawang taon na nakasama kita, hindi lang isang beses kong hiniling na sana panaginip lang ang lahat! Na sana hindi na lang kita nakilala!

I would never be a hypocrite and say that I didn't regret anything because I am regretting everything! Please don't make me regret that I met you again after moving on." umiiyak na sigaw ko sa kanya

Naninikip ang dibdib ko dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Bakit hindi na lang niya ako pakawalan? What's the use of doing these things? I will never go back to him. Never. I love Grayson and I can't even imagine turning my back on him for Darnell.

"I'm sorry but I can't let you go, Hillary. I will never justify what I did in the past because I know that my reasons are unacceptable. The kids are in my room, they're sleeping." mahinang aniya na ikinakalma ng damdamin ko

Para akong nauupos na kandila na naupo. Grayson must be worried about us. Wala akong magagamit para matawagan siya, we're technically trapped in this house. Ang nakapagpagaan lang ng loob ko ay maayos akong nakakapaglakad. Hindi ako nakatali tulad ng mga taong nakikidnap.

"Ano bang balak mo samin ng mga anak ko? My son is injured, Darnell! Ibalik mo na kami sa Manila!" sigaw kong muli sa kanya

Hindi ako ganoon katanga para hindi malaman na wala kami sa Manila. Tanaw ko mula rito ang dagat at sigurado akong dinala niya kami sa isang private island.

"I don't have a plan, Hillary. I'm sorry but I can't bring you back to Manila." malamig na sabi nito bago ako tuluyang talikuran

Wala akong nagawa kundi ang bumalik sa taas at siguruhing maayos ang lagay ng mga bata. Binuksan ko lahat ng kwarto at nakita ko ang mga anak ko na nasa katabing kwarto lang kung saan ako nagising kanina. Papungas-pungas na nakaupo si Kairo at humihikab pa. Halatang bagong gising lang ito at wala pa sa sarili.

The Wife's AgonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon