Chapter 21

17K 296 21
                                    

HILLARY

"Sorry, Thalia. Sorry talaga!" paghingi ko ng paumanhin sa matalik kong kaibigan na ngayon ay nakasimangot sa mismong reception ng kasal niya

Siya ang una kong nilapitan nang makarating kami ni Grayson. Hindi na namin naabutan ang ceremony dahil tinotoo ni Grayson ang banta niyang hindi ako hahayaan na maging partner si Matthew.

Lumagpas ang tingin sakin ni Thalia at masama siyang nakatingin kay Grayson na nakangisi lang sa likuran ko. Napahilot ako ng sentido ko sa inis dahil parang ginagatungan pa nito ang inis ng pinsan.

"Kuya Grayson, ipapaalala ko lang sa'yo na kasal ko ang hindi napuntahan ng bestfriend ko at aalis na siya mamaya." madiing sabi nito

"Hey, calm down." malambing na ani naman ni Brett sa asawa

"Kung alam ko lang na ilalayo mo sa akin si Hillary at hindi makakapunta sa kasal ko, sana hinayaan na lang kitang maging matandang binata!" hindi napigilang singhal ni Thalia

Nagpatianod ako nang hilain ako ni Thalia palayo kay Grayson. Pinaupo ako ni Thalia sa tabi niya at hindi niya ako hinahayaan na makalapit sa asawa ko. Lihim akong napangiti, hindi ko akalain na matatawag ko na talaga siyang asawa.

Si Thalia lang talaga ang halos nakasama ko hanggang sa mawala ang mga tao sa reception. Pinaniningkitan niya ng mata si Grayson tuwing lalapit ito sa'kin. Parang nakuha naman ang asawa ko sa mga ganoon dahil napapakamot na lang ito sa batok. Hindi ko napigilan ang lungkot ko nang maalalang kailangan ko ng bumalik sa London.

Naiwan kami sa reception kasama ang mga pamilya namin ni Grayson, Thalia at Brett. Nakasuot na ng simpleng dress si Thalia pero ganoon pa rin ang make up nito. Nakahalukipkip si Thalia at masama ang tingin kay Grayson. Mukhang napansin ng mga kasama namin na gusto kaming kausapin ni Thalia kaya iniwan nila kami saglit. Kaming apat na lang ang naiwan at kasama doon syempre ang asawa ni Thalia.

"Thalia, I'm sorry." sinserong sabi ni Grayson

"Nakakababae ka na, Kuya Grayson! Binilin ko sa'yo na dalhin ang best friend ko kahit sa seremonya lang ng kasal ko! Alam kong sinusulit mo ang oras pero utang na loob naman! Ngayon lang ako ikakasal!" naiiyak na sumbat ni Thalia

Nag-init ang mata ko dahil sa mga sinabi niya at isama pa na tinawag niyang Kuya ang asawa ko na hindi niya madalas na ginagawa. May kasalanan din naman ako doon dahil alam ko naman na kung ayaw ko talaga, hindi ako pipilitin ni Grayson at makakapunta kami sa kasal niya.

"Thalia..." naiiyak na tawag ko sa kanya pero nanatili ang mata nito sa asawa ko at hindi man lang ako tinapunan ng tingin

"Ikaw ang pinakiusapan ko dahil 'yang mapagmahal na kaibigan ko masyadong marupok sa'yo! Sana tumutol na lang ako sa kasal niyo kung alam kong gagawin mo 'to!" tuluyan ng naiyak si Thalia at dinaluhan naman siya ni Brett

"Hey, I'm really sorry." malambing na sabi ni Grayson at niyakap si Thalia

Mas lalong naiyak si Thalia at sinapak ang dibdib ni Grayson na ikinangiwi ko. Hindi ko pa nakalimutan ang sinabi niya kanina na marupok ako kay Grayson. Marupok agad? Hindi pwedeng mahal mo lang talaga at ginusto mo rin?

"I'm sorry. Sinusulit ko lang yung araw na magkasama kami dahil hindi ko alam baka iyon na pala ang huling araw na makakasama ko siya at maipaparamdam kung gaano ko siya kamahal." mahinang sabi ni Grayson pero umabot iyon sa pandinig ko

The Wife's AgonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon