Chapter 17

19.7K 455 62
                                    

HILLARY

Hindi maalis ang ngisi sa labi ko nang makababa ako sa kotse ko. That wicked woman doesn't deserve any ounce of my forgiveness and it's pay back time. Sumunod sa akin si Beth, ang assistant ni Grayson. Hindi siya nakasama sa akin dahil may mahalaga siyang appointment kaya pinasama niya si Beth para panatag daw ang loob niya. Nasa likuran rin namin ang dalawang bodyguards na mukhang hinire ni daddy at Grayson, those men.

Lumapit ako sa information desk at mabilis naman na tumayo ang receptionist para makausap ako.

"I am Hillary Olivar, owner of unit 426." nakangiting sabi ko sa kanya

Napatitig siya sandali sa akin bago bumalik sa upuan niya at tumipa sa computer na kaharap. Tumingin ulit siya sa akin at sa monitor tapos tumingin ulit sa akin na may pagtataka sa mukha. Tumayo siya at lumapit ulit sa akin.

"Ma'am, kayo nga po ang nakaregister na bumili ng unit pero nakapangalan iyon kay Miss Claire Benitez at nakapirma din po kayo sa contract." may pagtataka sa boses na sabi nito

"Can you please bring me the papers?" mahinahong pakiusap ko sa kanya at mabilis naman siyang tumalima

Umalis muna siya at ilang minuto lang ay bumalik na siya. May kasama siyang lalaki na kung hindi ako nagkakamali ay kasing tanda ni Grayson. Nabasa ko sa tag ng uniform niya na siya ang manager ng building.

"Ma'am, ayos lang ba kung doon tayo sa opisina ko?" magalang na tanong nito kaya pumayag ako agad

Pumasok kami sa opisina niya na malapit lang sa reception desk at kasama ko pa rin si Beth habang ang dalawang bodyguard ay nasa labas ng opisina. Nilapag niya sa mesa ang isang folder at binuksan ko agad iyon. Napailing ako at natatawa habang tinitignan ang mga pirma sa bawat pahina na nakikita ko.

"I have to talk to the head of your legal team." seryosong sabi ko sa kanya

Mukhang nagulat siya sa sinabi ko at halata sa mukha nito ang kaba. Sino bang hindi kakabahan kung pinapatawag ko ang head ng legal team nila sa mismong kompanya na may-ari ng condominium na ito?

"I am Bethania Sanchez, a paralegal in Andrews Law Firm. We need to talk to your legal team and peacefully settle this or we will sue your company." seryosong sabi ni Beth na mukhang sanay na sanay na sa ganitong sitwasyon

Mabilis na tumayo ang lalaki at may tinawagan. Hindi ko alam kung natakot siya na idedemanda namin ang kompanya nila o natakot siya sa kompanya ni Grayson. Maraming nakakakilala sa kompanya ni Grayson dahil kilala din siya bilang isang nakakatakot na abogado. Sinong hindi matatakot sa kanya kung kaya niyang pabagsakin ang isang malaking kompanya habang pinagtatanggol ang karapatan ng kliyente niya?

"Yes, Sir. Si Miss Hillary Olivar po.... Olivar po... Yes, Sir." rinig kong sabi ng lalaki sa kausap niya

Bumalik siya sa upuan niya na nasa harapan namin nang matapos isyang makipag-usap sa telepono.

"Papunta na po sila kasama ang boss namin." sabi nito na mukhang kinakabahan dahil kasama ang boss nila

"Kasama ang boss niyo? Why?" kunot-noong tanong ko dahil I only asked for their legal team

"Ma'am, baka nakakalimutan mo na isa kang Olivar and soon-to-be Andrews." bulong sa akin ni Beth

Napatango nalang ako kahit na hindi naman big deal para sa akin iyon. They don't have to make a fuss over it. Hindi naman kami kamag-anak ng royal family para pagtuunan ng pansin ng lahat ng tao.

Sabay-sabay kaming napalingon sa pinto nang bigla itong bumukas. Pumasok ang isang lalaking matangkad na mukhang kasing edad lang din ni Grayson. Kasunod nito ang isang lalaking nasa mid-30's gaya ni Beth. Kumunot ang noo ko nang mapagtanto na pamilyar ang lalaking unang pumasok.

The Wife's AgonyWhere stories live. Discover now