"Mommy? Daddy?" tawag niya habang tumitingin sa paligid

Agad ko siyang nilapitan dahil baka mabahal siya pag napansing wala kami sa bahay at hindi niya ako nakita agad.

"I'm here. Wala bang masakit sa'yo?" malambing na tanong ko sa kanya

Umiling siya at saglit na sinulyapan si Avery na natutulog pa rin.

"Mommy, nasaan po tayo? Si daddy po?" tanong niya sa akin

Natigilan ako sa tanong niya dahil hindi ko alam ang isasagot sa kanya. Hindi ko naman pwedeng sabihin na dinakip kami ni Darnell. Hindi ko rin alam kung anong gagawin ko para lang pakawalan niya kami.

"Mommy!" biglang naalimpungatan si Avery at malakas na umiyak habang yumayakap sa leeg ko

Nahabag ako sa namumulang pisngi niya dala ng pag-iyak niya at bahagya din akong nabahala dahil baka atakehin siya ng asthma. Wala sa akin ang bag ko at wala ding bag si Avery o ang inhaler man lang niya! Kasalanan 'to ni Darnell!

"Bakit, anak? May masakit ba sa'yo? Bakit ka umiiyak? Tahan na." mahinahong pagpapatahan ko sa kanya habang patuloy din si Kairo sa paghaplos ng likuran niya

"M-Mommy, uwi na po tayo. Daddy!" Mas lalong lumakas ang iyak nito nang hindi mahagilap ng mata niya si Grayson

Mukhang nagtatantrums siya dahil nagising siya sa hindi pamilyar na lugar at wala pa si Grayson. Hindi ganoon kadaling maging komportable sa paligid sa Avery.

"A-Anak, tahan na baka hikain ka." naiiyak na pagpapatahan ko sa kanya

Naiiyak na rin ako dahil sa nangyayari sa amin. Siguradong hinahanap na kami ng asawa ko at baka mamatay-matay na 'yon sa pag-aalala.

"Avery, tumigil ka na. Baka hindi ka nanaman makahinga." malumanay naman na sabi ni Kairo

Hindi pa rin tumigil sa pag-iyak si Avery kahit na anong gawin ko at nag-uumpisa na rin siyang mahirapang huminga. Napunta sa pinto ang atensyon ko nang bumukas iyon. Niluwa noon si Darnell na may nag-aalalang mukha nang makita kami.

"What happened? Is she alright?" nag-aalalang tanong niya nang makita si Avery

I want to answer him sarcastically. Gusto ko rin siyang awayin pero isinantabi ko muna iyon at inuna ang kapanakanan ni Avery. Mamaya ko na lamang siya aawayin.

"May dala ba siyang bag kanina? Kailangan ko yung inhaler niya. Kung wala, may inhaler ka ba dyan? She really needs it right now." mabilis na wika ko dahil sa pagkabahala

Tumindi ang pag-aalala ko nang matigil bigla si Avery sa pag-iyak at naghabol ng hininga. Nawala bigla si Darnell at ilang segundo lang ay narinig ko na ang malakas na yabag niya. Kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong tumatakbo siya.

May dala na siyang nebulizer at pati gamot ay kompleto siya. Hiniga ko si Avery sa kama at mabilis ang naging kilos ko sa pag-aayos ng nebulizer niya. Nilagay ko sa bibig niya ang mask.

"Hinga ng malalim, anak. Then, slowly exhale." mahinahon na sabi ko sa kanya at tahimik naman siyang sumusunod

"Sabi naman kasi sa'yo, wag kang iiyak e!" naiinis na sabi ni Kairo

Nagtubig muli ang mata ni Avery kaya maagap na hinaplos ko ang ulo niya at kinalma siya. Mabuti na lamang at sumusunod na siya ngayon.

"Kai, wag mo ng pasamain ang loob ng kapatid mo. Baka umiyak nanaman." saway ko naman kay Kairo na tahimik na tumango

Napalingon ako sa bandang likuran ko nang maramdamn kong lumundo ang kama. Naupo doon si Darnell na may dalang isang box ng first aid kit.

"Hey, kiddo. I'm Tito Darnell. Kaibigan ako ng daddy at mommy niyo. What's your name?" magiliw na pagpapakilala nito

The Wife's AgonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon