Chapter 17 Spell OA

Start from the beginning
                                    

"Ano ka ba" said Kate, "Ikaw parin naman ang masusunod kasi katawan mo yan."

"She's right, Lexa. And besides, mai-stress ka lang kung hindi nila gagawin yung gusto mong gawin, they wouldn't want you to be stressed"

"And kami na ang bahala, we will always be by your side. Balita ko sensitive daw ang mga buntis at madaling nalulungkot." said Liezel.

"At pwede kayang ilayo muna natin sila Pekto? Baka paglihian mo pa sila eh" suggested Crystal.

"Ng 9 months? Haha" tanong ni Renee, "grabe naman kayo kay Gollum!" doon ako natawa.

"Pero I'm so excited! OMG! You're pregnant!" masayang sabi ni Mary Jane.

"Oo nga eh, hindi parin ako makapaniwala" said Liezel, then she shifted her position to fully face me with a naughty glint on her eyes, "Sooooo," she said, "every night ba kayong nag-aano ni kuya Bryce?".

Uminit bigla yung muka ko.

"Liezel!" sigaw ko sabay hawak sa mga pisngi ko.

"Hala? Natatanong lang eh!" she defended herself.

"Ang tanong," siksik ni Crystal, "Magaling ba siya?" she asked with the same naughty grin sabay wiggle ng isang kilay.

"Oh my god! I can't believe that you are asking me these things!" reklamo ko.

"Pero every night ba?" tanong ni Kate.

"Not you too! Stop it!" pakiramdam ko, puputok na yung muka ko dahil sa init. This is so embarrassing!

"Ano ka ba! Mature tayong lahat dito, normal lang na pagusapan yang mga yan!" said Renee kaya napatingin kaming lahat sa kanya, well, except Mary Jane of course.

"Eh ikaw?" Tanong ko naman sa kanya, "Every night ba kayo ng hubby mong nag-aano?"

"Oo naman! Hindi lang night, meron pang breakfast and snacks" she proudly said.

"Eeeeeh!!" sigaw naming lima, she's so brave!

"Anlakas mo naman!" said Crystal, "kinakaya mo?!"

"Of course!" Renee proudly answered, "eh kayo ni Nathaniel?" kay Crystal naman napasa yung topic.

"Ha? Nathaniel? Sino yun?" tanong ni Crystal.

"Loko, sagot!" said Rene.

"Kung si Alien na boypren ko ang tinatanong niyo. Hindi pa namin ginagawa. Trinetreasure niya daw ako kuno at hinihintay na makasal kami bago niya ako 'angkinin'" she quoted the word in the air using her two fingers.

"Awww!" sabay naman naming sabi.

"And Kate?" asked Mary Jane.

"2 times a week, sometimes 3" she answered.

"HAAAAAA!!? You've been doing it!?" I asked.

"JOKE!" she quickly said, "same kami ng situation ni Crystal."

"Awww, parang si Bryce ko rin" I said.

"Si Jason hindi" siksik ni Mary Jane.

"Ahh, walang duda" sabi ko agad, "eh sa manyak yun eh"

"Oo nga, di ba tumira kayo sa iisang bahay dyan?" asked Liezel at napatigil si Mary Jane, mukang ayaw pa niyang pag-usapan.

"Siguradong si Jason ang speaker nila sa baba ngayon" siksik ko para maiba ang topic.

"Silip tayo?" sabi ni Crystal at nagtinginan kami.

"Huy! Madaya kayo, paano kami ni Renee?" asked Mary Jane.

"Kwentuhan namin kayo mamaya" I said as I approached my two gadgets at isa isa kong idrinop yung call, then I faced the three girls, "ready?" I asked.

"Kailangan ba natin ng armas?" asked Liezel at pinulot niya yung slippers ko.

"No, no, hindi nila tayo sasaktan. Ihaharang natin si Lexa kung meron mang mangyari" said Kate.

"Bakit ako!?" I horribly asked.

"Hindi ka nila aanuhin, okay lang yan" she said and she opened the door. Sumilip muna kami sa surrounding para siguraduhing walang bantay saka kami dahan dahan na bumaba.

We heard arguments.

"Naku, nagaaway na naman ata sila?" asked Crystal at binilisan pa namin ang pababa sa hagdan.

"Ang kulit naman eh! Upakan kaya kita!" si Etong yun ah!

"Sige ba! Para namang may binatbat ka sa akin!" answered Kalbo, naku nagaaway na nga sila! Without any warning, naglakad ako't nameywang sa kanila.

"Hoy! Ano'ng kaguluhang ito!?" I shouted and they all flinched. Aww, I missed those kinds of reaction!

"Lexa! Ba't ka sumisigaw!?" tanong ni Nathaniel at hindi ko namalayang nasa harap ko na si Bryce.

"Bakit ka bumaba? May masakit ba? Are you feeling okay?" mabilis niyang tanong habang sinosurvey ang katawan ko. He still looks pale...and soooo cute!! 

"Bakit niyo siya hinayaang bumaba sa hagdan!?" tanong ni Kurt kina Kate na obviously gulat sa reactions nila. Hindi siguro nila ito inexpect.

"Eh ano'ng gusto mong gawin namin para makababa siya? Paliparin namin siya?!" tanong ni Liezel.

"Hindi, baka gusto nilang iroll natin pababa" said Kate.

"O kaya iteleport" said Crystal.

"Ang ibig kong sabihin, bakit niyo siya pinababa!?" asked Kurt.

"Stairs are dangerous!" dagdag ni Nathaniel.

"Edi maglagay kayo ng escalator o elevator!" sigaw ni Crystal, nagtinginan yung mga boys, probably considering what Crystal said.

"Okay lang ako!" sigaw ko para kunin ang attention nila, this time, they are all in front of us and the girls are behind me. Talaga ngang iniharang nila ako, "Ano ba ang pinag-aawayan niyo?" I asked.

"Eh ito kasing si Etong! Pinipilit na Huggies diaper ang gamitin eh mas malambot naman ang EQ!" Kalbo faced Etong, "Kaya nga EQ di ba! Kasi EQUAL ang ibig sabihin! Equal sa lahat ng bagay! Economy at quality! Magkapares!"

"Parang kayong dalawa, magkapares nga talaga kayo" siksik ko, "yan lang ba ang pinag-aawayan niyo! My god! Simpleng bagay!"

"Lexa, please, don't shout, baka mastress ka at ang baby" Bryce softly said, na nagpakalma naman agad sa akin.

I took a deep breath saka nagsalita uli.

"Unang una sa lahat, ako ang magdedecide kung ano'ng diaper ang gagamitin ng baby ko. Second, dapat meron ako kung tungkol sa baby KO ang paguusapan," I stressed the word, "dahil nasa tummy ko siya. And Third, kindly chill? Huwag nga kayong OA?"

"You can't blame us, unang inaanak namin yan no" sabi ni Jason.

"Oo nga, hayaan mo nalang kami" said Kurt.

"Fine! Hahayaan ko kayong magdebate ng kung ano ano dyan" sabi ko and I faced the kitchen.

"Gutom ka?" sabay sabay na tanong nung mga boys, tapos nagunahan silang pumunta sa kitchen while shouting "ako na ang magluluto!" "Asan yung mga prutas!?" "Yung blender dali!" at kung ano ano pa. Pati si Bryce nakipag unahan sa kanila. Nakalimutan ata niya yung pagka-leader niya sa grupo ah.

"Wooow" said Kate na nakatayo sa likod ko together with the two girls, "spell OA".

"Sinabi mo pa." said Crystal, "wala pa yan sa kalingkingan girl".

"Nakabudget ba tayo sa iluluto nila?" asked Liezel.

"Girls?" I asked and we looked at each other, "I think we have slaves" we all grinned and high-fived.

"Yeah!" sigaw namin.

-=-=-=-=-=-=-=-


Me and My Boys VOLUME 4Where stories live. Discover now