16: Tar'Gard Village

294 20 1
                                    

"Oy, oy, oy. Anong Grand Warrior's Sword yun ha? Nakakuha ka pala ng magandang loot pero di mo sinabi sakin. Grabe ka, parang wala tayong pinagsamahan. Pwe. Makaalis na nga." Pagmamaktol ni zero. Napatawa na lang ako sa mga sinabi niya. Agad ko naman siyang hinabol at sinabayan sa paglakad.

"Anong sinunod-sunod mo sakin? May kailangan ka? Kala mo kung sinong magaling, madamot naman pala." Tawa lang ako ng tawa sa mga pagmamaktol niya. Patuloy lang siya sa pagrereklamo hanggang naisipan kong ibigay na sa kanya ang Grand Archer's Bow. Napahinto naman siya sa paglakad at pagrereklamo then look at me.

ZERO ' s POV:

[You receive a gift from Fortem

Grand Archer's Bow x1.]

Nagulat ako ng biglang may magpop out na VR Screen sa harap ko. Napahinto ako sa paglalakad at napatingin kay Fortem. Nakacheshire cat smile yung ugok habang nakatingin sa akin. Nagmumukhang tanga tuloy.

Pumunta ako sa Inventory ko at tinignan ko ang Grand Archer's Bow. Nagtaka ako kung bakit hindi ko makita ang details niya. Puro Question mark at ang nakalagay lang ay Legendary tsaka can be equipped. Pero nang sinubukan kong i-equip ay may lumabas na dapat lima kami para ma-equip ang Weapon na ito. Napatingin naman ako kay Fortem na parang tangang nakatitig sa pulang diyamante na hawak hawak niya. Natungo rin ang tingin ko sa mga apat na Familiars na nakasunod saming dalawa. Napaisip ako kung saan ang akin diyan. Hmmmm. Tinignanko ulit ang disenyo ng GAB. Hugis lumilipad na ibon? It means...

"Waaaaaaaah!!" Napasigaw ako sa gulart ng lumapag ang Agila sa mismong harap ko. Napatumba pa ako dahil sa hangin. Tinignan naman ako ng Agila na parang nagtatanong. Does it understand us?

Tumayo ako at hinawakan ang agila. But when my hands touch its feathers, may hologram na lumabas sa harap ko.

"I, Dano, gives you, Fleus, the Blue Fire Eagle of the Sky Kingdom, the Grand Archer's Familiar for acquiring the Grand Archer's Bow." Sabi ng lalake sa hologram at biglang naglaho. Naging kristal naman si Fleus na kulay blue.

Pinuntahan ko si Fortem na busy sa pag-oobserve ng kristal niya. Napatingin naman siya sakin na may malapad na ngiti.

FORTEM'S POV

Ng maramdaman kung lumapit si Zero sa akin, hinarap ko siya with a smile. Sinuntok ako ng mahina sa balikat and shook his head.

Novae Terrae OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon