1: The Game

917 42 12
                                    

Yung feeling na walang nakakaalala ng birthday mo. Shit lang!! Yung nag-eexpect ka na pag gising mo ay may babati sayo?? Pero wala eh. Even nung pagbaba mo walang nag greet sayo. Walang special breakfast. Walang surprise gift. I thought they loved me. Umasa lang ba ako??? Kung oo. Shit!! Ang sakit.

"Hooy!! Chad!! Umagang-umaga naka busangot ka. Happy Birthday nga pala. Nakatanggap ka ba ng Gear at Console ng NTO as gift??" - sabi ni Rafty. My bestfriend as he approach me galing sa bahay niya.

I shook my head para malaman niyang wala at dumeretso na papuntang school. Di ko na siya hinintay dahil wala ako sa mood. As I walk straight towards our room, puro NTO lang ang naririnig ko. Maganda raw doon sa ano. Malakas daw ang mga halimaw sa ano. Mataas na daw level niya. May bago daw siyang equiment. Maganda raw ang skill set niya. Nakakuha siya ng rare armor. Nakakuha raw siya ng epic weapon. Pangit daw ang race na kinuha niya. Pinakamalakas daw ang race niya kesa sa ibang race. At marami pa. Nakakarindi ng pakinggan. Ano ba yang NVO na yan. Tsss. Wala akong pakialam. At mas nawalan ako ng modo dahil sa mga walang kwentang naririnig ko.

"Oh!! Is it the only loser in our town!!" - sabi ni James na isang bully. Mayaman, matikas ang katawan, maamo ang mukha pero sukdulan ang pagiging demonyo. Ako lang naman ata ang trip niya ss school. Flavor of the Year kumbaga.

"Ano na naman ba ang kailangan mo??" - matapang kong tanong sa kanya. Kung noong una natakot pa ako, pero ngayon, wala na. Im already used to his insults.

"Wala lang. Nakalaro ka na ba ng NTO?? Ay wait!! Di mo pala kayang bumili. Kasi wala kang pera. Ahahahahaha!!! Tara na guys." - pag-iinsulto niya. Pag - alis niya ay pinalibutan agad siya ng kanyang mga fans kuno. Usap-usapan kasi na siya ang pinakamalakas sa Philippine Server ng NTO. Tss. Kung alam ko lang yang NTO na yan, lalagpasan ko ang mayabang na yan.

Umalis na ako at pumunta sa room namin. Tss. Nakakadagdag sira ng araw. Tss.

******

Im on my way home ng may nakita akong newspaper at NTO ang headline nito. Pinulot ko ito at binasa. PHYNN INC. IS NOW HAVING A RAFFLE. THERE WILL BE ONE LUCKY GAMER WHO WILL RECEIVE THE NEW HEAD GEAR OF NTO. THE WINNER WILL ALSO BE HAVING A... Blah blah blah. Wala akong pakialam. Tsss.

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad at di pa ako nakakalayo ng may narinig akong news about na naman sa NTO.

"Our lucky winner has been chosen. He was contacted immediately and he said that he don't want to reveal his name. Tune in for more information and future raffles about NTO."

Tss. Sino kaya nakakuha. Tsk. As if naman ako. Bahala yan. Wala namang kwenta yan. Magsasummer job pa ako next week. And bukas na rin ang graduation namin.

Mabilis akong lumakad pauwi ng may nakita akong delivery van na paalis ng bahay namin. Ano kaya yon. Dali dali akong pumasok at nakita ko si Nanay at Tatay na nakaupo sa sofa. May box rin na nakalagay sa mesa at may larawan ng NTO. Tumingin naman sina Nanay at Tatay sa kin na may ngiti. Tumayo sila at lumapit askin para yakapin.

Novae Terrae OnlineWhere stories live. Discover now