2: Classes/First Kill

616 49 1
                                    

"You chose Dark Angel as your race. Now choose your class

Bard - specializes in using magical songs

Cleric - holy warriors specializes in healing

Fighter - Specializes in melee weapon

Wizard - Specializes in using magic

Mystic - Specializes in Summoning

Archer - Specializes in range weapon."

Hmmmmm. Ano kaya. Ayokong mag archer. Mahina sa defense kaso mataas critical rate niya. Fighter na lang. Mataas ang damage. At minsan nakakapagbigay ng true damage.

"Fighter."

"You chose Fighter as your class. You can choose any sub class you want. But as the raffle winner. I'll be giving you the only sub-class that only you can acquire. The thief sub-class which is specializes in high percentage of  acquiring items from rare, epic, legacy, legendary, ancient, and celestial items. You can now start your adventure. Please step on the gold circle."

Cool. Sina nanay pala nakakuha nong raffle. Kaya pala wala sila nung umaga sa birthday ko. At btw, thief sub-class?? Ako lang meron nito??

May nakita na akong gold circle kaya tumapak na ako dito. Pag tapak ko, bigla na lang umilaw na nakakasilaw. Napapikit na lang ako at hinintay na mawala ito. Bigla rin akong nakaramdam ng hilo. Ng maramdaman ko na wala na ang nakakasilaw na liwanag ay minulat ko na ang mga mata ko. Namangha akonsa aking nakita.

"Welcome to Gallade(ga-la-de). The beginner's area." - narinig kong sabi ng isang.... Batong dragon??? Well. Di naman imposible. Di pangkaraniwan ang lugar na to.

Bumaba na ako sa kinatatayuan ko at naglakad-lakad. May nakita akong lawa at pumunta ako doon. Tinignan ko ang repleksyon ko at nagulat ako sa aking nakita. Puting buhok. May pakpak na parang paniki sa kanan at pakpak na parang anghel sa kaliwa. Tapos ang mga mata ko, makaiba ang kulay, ash-white sa kabila at dark grey naman sa kanan. Nabigla ako sa nakita ko. Nag-iba ang itsura ko. Parang di ko na nakikilala amg sarili ko. Pero ganon pa rin naman angbhugis ng mukha ko, yung katamtamang tangos ng ilong ko at mapupula at manipis na labi. At yung pale white kong kulay ay ganon parin. At may napansin rin ako. May kulay berde sa taas ng ulo ko at may pangalan ko na Fortem. May kulay asul rin na manipis sa ilalim nito. May numero rin na 1 sa kanan nito.

"Hi!! Bago ka??? Anong race mo?? Ngayon ko lang nakita ang pakpak mo eh."-nagulat ako ng may nagsalita na babae sa likod ko. Muntik rin akong mahulog sa lawa kung hindi niya nahawakan ang dulo ng damit ko.

Novae Terrae OnlineWhere stories live. Discover now