4: Town Bazaar

505 43 2
                                    

IGN: Fortem
[INVENTORY]

*Aquileo Feather x1
*Aquileo Gems x5
*Bird Claws x20
*Cotton Tail x35
*Antlers x28
*Horns x28
*Snake Skin x40
*Fire Gems x35
*Flame Poison Dagger x1
*Goblin Fang x10
*Rat Tail x14

Gold Coins - 29,750

*****

"Oh anak!! Bakit ngayon ka lang bumaba?? Sa kakalaro yan no?? Oh. Kain ka na."- sabi ni Nanay habang pababa ako sa kwarto ko. Umupo na ako at nagsimula ng lumamon. Yumm. Sarap talaga ang luto ni Nanay. Yum Yum.

" Siya nga pala. Pakihatid nito sa Tiyo Andres mo pagkatapos mong kumain. Kailangan niya yan." - Tumango na lang ako dahil busy pa ako sa pag kain. Yum. Food is Life!! Ehehehehe.

Pagkatapos kong kumain ay iniligpit ko ang pinagkainan ko at kinuha ang paper bag na may laman kung ano man kailangan ni Tiyo Andres. Lumabas na ako ng bahay at naglakad na sa game shop ni Tiyo Andres. Malapit lang naman ito sa bahay kaya nakarating ako agad. Kailangan ko ring magmadali dahil maglalaro pa ako ng NTO. Pagdating ko shop ni Tiyo Andres ay pumasok ako at dumeretso na sa opisina niya. Naabutan ko naman siyang may ginagawa. Napagawi naman ang tingin niya sakin nung pumasok ako.

"Oh Chad!! Kailangan mo??"-tanong ni Tiyo at bumalik na sa kanyang ginagawa. Tinignan ko naman ito pero wala akong maintindihan.

" Pinapabigay po ni Nanay. Sige po Tiyo, mauuna na ako. Maglalaro pa ako ng NTO." - sabi ko at lumabas na ng opisina niya. Tumakbo na ako pauwi dahil gusto ko ng malaro ang NTO dahil nawiwili na ako sa paglalaro nito.

Pagkadating ko sa bahay ay agad akong pumasok sa kwarto ko at sinuot ang head gear.

"Satus Ludum."

Nabalot ako ng pamilyar na sensasyon gaya kaninang umaga. Minulat ko ang mata ko at nakita ko ang kahoy na kisame ng mumurahing Inn na pinagpahingahan ko. Tumayo na ako at lumabas ng Inn. Nagpasalamat ako sa nagbabantay. Maglibot kaya muna ako dito sa Gallade Town?? Marami pa namang oras.

Nag simula na akong maglakad. Pumunta muna ako sa Town Square kung saan makikita kadalasan ang mga player. Yung iba nakatambay. Yung iba may hinihintay. Yung iba naman naghahanap ng away. Pwede rin naman kasi kaso pupunta kayo sa Battle Arena. Anyway, ng makarating ako sa Town Square, tumingin-tingin ako kung may magandang shop na pagbilhan ng mga accessories. Pero, parang wala eh. Puro mga food stalls. Mga out of this world food pa. Gaya ng Fried Sea Rabbit. Kwek Kwek na itlog ng Ostrich. Walking Shrimp Tempura. Poop Cake. Yeah! Guys my Poop Cake. Buti nga si nag-aamoy eh. Meron rin silang isaw. Higanteng Isaw. Sabi ng tindera, sa Pullapen daw galing. Tinanong ku naman kung anong Pullapen. At sabi niya, baboy raw na may ulo at paa ng manok. Cant you believe that?? It exists in this world. Back to the Story. So, umalis na ako ng Town Square at naglibot pa. Sa paglilibot ko, napadpad ako sa isang lugar na nakahelira ang mga shop. Maingay rin dahil maraming tao ang namimili dito. Pumasok ako at namangha sa aking nakita, Sh*t!! Heaven, maraming weapons at accessories. Pumunta ako sa Unang Shop at isa itong Armor Shop. Magaganda ang Armor kaso ang mamahal. At masyado pang mababa ang Level ko. Yung Serpens Armor Set lang nga kaya ko. Kaso mababa ang defense niya. More on Accuracy siya kaya pang Long Range siya. Meron rin namang Chain Mail Armor Set na Dwarves lang ang pwede. Gusto ko sana yung Light Armor Set kaso kulang pera ko. Mga 40,000 Gold Coins siya.

Umalis na ako sa unang shop at naghanap ng bago. Marami - rami ring shop ang nakita ko sa paglilibot, merong Weapon Shop na Elves-based ang binbenta. Meron ring Accessory Shop. May Luck Shop kung saan pwede kang makakuha ng isang Epic Item Set pag nakajackpot. Gusto ko sanang pumunta kaso madaling maubos pera mo. Meron ring Herbal Shop kung saan pwedeng bumili ng potions gaya ng HP potions, MP potions, Antidote Potion, Rage Potion at kung ano-ano pa. Meron ring Auction House kung saan magbibid ka kung gusto mo yang item na ioauction nila gaya ngayon.

"Going Once?"

"Going Twice?"

"No more Bids??? Congratulations, the Angel Staff is bought by Shio. For our next item, we have the asdfghk...."

Di na ako interesado kaya umalis na ako. Napagdesisyunan ko ng hanapin ang Black Smith. Linibot ko na ang Bazaar. Yes! Bazaar daw ang tawag dito, narinig kong sabi ng isang player. Pero kahit sa kasulok-sulokan, ay hindi ko makita. Saan ba kasi yun?? Napaupo na lang sa Bench dahil sa pagod. Parang wala namang Black Smith dito. Haaaaaaay.

"Hi!"

May nagsalita ba?? Parang wala naman.

"Pssst."

Ano yun?? May tumatawag sakin?? Sa akin ba?? O sa iba??

"Hoy lalake sa Bench!"

Lalake sa Bench?? Sino yun??

"Hoy lalakeng may puting buhok!"

Puting buhok?? Parang ako yun ah. Inilibot ko ang tingin ko sa palagid at wala naman akong nakitang tumatawag sa akin.

"Hoy!! Dito sa baba!!"

Sa baba daw. Tmungin ako sa ilalim at may nakita akong stairs. Wala namang ganito kanina. Bumaba na ako at bigla na lang itong bumalik sa dati at dumilim na sa paligid. Ilang sandali, may apoy na lumitaw. May torch. Hmmmmm. Kinuha ko ito at naglakad na. Sino ba yung tumawag sakin at bigla na lang nawala. Dumeretso ako ng lakad at may naaninag akong ilaw at narinig na ingay. Hmmm... Anong nandito?? Paglabas ko sa tunnel na iyon ay bumungad sakin ang mas marami pang stalls at parang mas maganda ang mga items dito. Naamoy ko rin ang usok galing sa... Damn!! Dito lang pala may Black Smith. Kanina pa ako palibot-libot doon sa taas.

"Hi!" - narinig kong sabi ng isang babae.

"Uh.. Hi?? Sino ka??" - tanong ko sa kanya. Maganda naman siya, at isa siyang Elf. Maputing mahabang buhok at pointy ears. Plus may Bow siya sa likod niya. Parang pareho kay Trina.

"Ako nga pala si Awenna. Ako yung tumatawag sa'yo kanina."-pagpapakilala niya. Siya pala yun. At ako nga ang tinatawag niya.

"Ah. Btw, Saan ako??"-Tanong ko sa kanya. Nagsmile naman siya.

" Welcome to Underground Bazaar. The place where you can find what you are seeking. Enjoy."-sabi niya at bigla na lang siyang naglaho sa usok.

Hmmm.. Underground Bazaar?? Hmmm. Sounds normal to me.

*****
Chapter 4 is done.
Comment what you think 'bout this chapter. Ehehehehe.

Novae Terrae OnlineWhere stories live. Discover now