5: First Quest

482 39 1
                                    


IGN: Fortem
[SKILL]

*Demonic Blow - LVL 1
*Sword Thrust - LVL 1
*Rapid Spin - LVL 1

Sword Mastery - 10%

*****

Naglakad na ako papunta ng Black Smith para mapaforge ang aking Loots to Aquileo Gauntlet. Malayo-layo ang shop ng Black Smith. Mga sampung shop pa bago ang sa kanya. Kadalasan puro mga weapon shop ang matatagpuan dito. Perp di naman. Mga galing ibang Kingdom ang mga weapon na binibenta nila gaya nung pangalawang shop. Sa Faereé Kingdom daw ito. Imposible pa ako makapunta sa Faereé Kingdom dahil masyado pang mababa ang LVL ko. 3rd Kingdom kasi ang Faereé. At dapat mga Level 75 ka para makakapunta doon.

There's also a Skill shop. Kung saan pwede kang makabili ng skills na gusto mo. And it cost much kaya tumingin - tingin lang ako. After some time, nakarating rin ako sa shop ni Mr. Black Smith. His forge shop is so like.... Forge Shop.

"Uhm... Mr. Owner?? Is anyone here??" - sabi ko pag pasok sa shop niya. The shop is so.... Silent. Ang ingay lang na maririnig mo ay ang ingay ng kumukulong hot lava. Seriously? May lava dito?? Gamit siguro sa pagtunaw ng metal. Iginala ko ang paningin ko sa shop niya. Sa pagtingin-tingin ko. May nakita akong kulay blue na dyamante na nakalutang sa ibabaw ng papel. Linapitan ko ito at akmang kukunin pero may biglang lumitaw na box.

[Side Quest!! Rescue the Black Smith from the Goblin Bandits in the Lo'wen Marsh.

Rewards
???
???
???]

(✔) (❌)

Oh! Isang quest. May first ever quest kahit Side Quest lang. I press the check button. Lumabas na ako sa shop at... Diba nagclose ang entrance papunta dito?? Saan ako dadaan niyan?? Hanapin ko muna si Awenna. Baka alam niya. Nilibot ko ang Underground Bazaar para mahanap ang Elf na yun pero sa kamalas-malasan. Wala daw ito sabi ng napagtanungan ko. Tanungin ko na lang ang ibang players dito. Ayon. May isang walang ginagawa. Linapitan ko ito at tinanong.

"Uhm. Excuse me."-pagkuha ko ng atensyon niya. Humarap naman siya sa'kin. Isang human.

"Bakit po kuya??"-tanong niya. Ano na kaya level niya?? Di makita eh. Pati IGN niya.

"Alam mo ba kung saan yung labasan dito??"-tanong ko sa kanya.

" Ah. Opo. Sama ka na po sakin. Lalabas na rin naman po ako eh."-sabi niya. Nag-umpisa na siyang maglakad at sumunod na lang ako. Ilang sandali, may nakita akong puting ilaw sa isang kanto ng underground. Tapoa nito ay may sikretong lagusan. Pumasok kami dito at tumambad sakin ang isang talon o waterfalls.

"Asan tayo??"- tanong ko sa unknown player na sinundan ko. Naglakad lang siya at parang hindi narinig ang sinabi ko. Ay. Snob naman ng batang to. Tinignan ko na lang ang mapa na binili ko na nagkakahalaga ng 5, 100 Gold Coins. Mapang-mapa ang mahal.

Hmmm. Nandito kami ngayon sa Al'wen Falls. Sa norte nito ay ang Lo'wen Marsh na. Ay, salamat malapit na.

Patuloy ko lang sinundan ang batang player at huminto ito sa isang malaking puting tigre na may orange stripes. Isang Algris. Isang monster na pwedeng matame at gawing mount.

"Mauuna na po ako kuya. Ingat ka po dito sa mga Wolfbear. Matataas po level nila. Masyado pa pong mababa level mo."-sabi ng batang player at umalis na sila.

Nag-umpisa na akong maglakad panorte. Habang naglalakad ako, nakaramdam ako na parang may tumitingin sakin. Di ko maiwasang maging paranoid dahil at the same time nakakaramdam ako ng isang tremendous aura. Nagpapahiwatig na malakas siyang player o monster.

Despite of this feeling, patuloy pa rin ako sa paglakad ng may nakasalubong ako ng isang pack ng Wolfbear.

[Wolfbear(Common) LVL 35-38

HP: 12,650
ATK DMG: 4,890

Skill Set: Bloody Scratch & Blood Barrier.]

Niready ko ang espada ko at nakadefense position. Dahan-dahan akong naglakad para di nila ako marinig. Naglakad ako ng dahan-dahan palibot sa kanila. Mukhang di naman nila ako narinig kaya patuloy lang ako sa pag--

[Sfx: snap]

Fvck!! Napatingin lahat sila sa gawi ako umungol na aatake sila. Damn. Masyado silang marami. How can I eliminate them? Sh*t!! I need to run!! Tumakbo na ako at di na lumingon. Alam kong hinahabol nila ako dahil sa yabag ng mga paa ng mga ito. Mabilis rin ang takbo nila. Sana makatakbo ako palabas ng Territory Area nila. Sa kakatakbo, di ko namalayan na naka attract ako ng ibang monster. Nalaman ko lang iyon ng may humarang sakin na Bird of Hell. Isang flock pa sila. Arrrgh!! Malas naman oh. Kailangan ko pang mag log-out dahil magdi-dinner pa ako. Fvck!! Meron pang Red Panther na humahabol sakin. I need to find a place na matalo ko sila isa. Nung may nahanap na akong maliit na kweba na may maliit na entrance ay pumasok ako dito. May nakasunod na isang Bird of Hell kaya inatake ko na ito. Patuloy ko lang ginagawa ang pag-eliminate sa kanila isa-isa. Hanggang maubos na sila. Nabawasan naman ng 73% ang HP ko kaya uminom ako ng Medium Size HP Potion. Paglabas ko ng kweba ay nabigla ako dahil may tatlong Area Boss ang bumabantay sakin.

Warning!! Area Boss has appeared.

Red Panther Alpha (Area Boss)
Wolfbear Alpha (Area Boss)
King Hell Bird (Area Boss)

Malas naman oh!! Paano yan?? Magpapakamatay na lang ako?? Sh*t. Di pwede to. Bumalik ako sa kweba at doon naisipan mag log-out. Siguro naman, pag log-in ko, wala na sila.

Pagkatapos kong mag log-out, bumaba na ako sa kwarto ko at dumeretso sa kusina. Hmmmm. Ang bango ng luto ni Nanay. Tinignan ko kung nagluluto pa si nanay. Lumapit ako sa kanya at tinignan kung ano ang niluluto niya. Hmmmm. Sarap! Adobong Manok. Ang bango ng amoy. Nakakagutom.

"Oh anak. Tapos ka ng maglaro??"-Tanong ng Nanay sakin.

"Di pa nay. Nag log-out lang ako. Gabi na eh. Maya naman para mas matagal. Parang natutulog lang ako eh. At tsaka, wala namang klase."-sabi ko kay Nanay.

" Anak. Pakitawag naman yung tatay mo dun kina Mang Logan. Sabihin mo kakain na."- Umalis na ako at lumabas ng bahay. Nadaanan ko pa ang kuya ko na nanonood ng tv. Di ko na lang siya pinansin at lumabas na ng bahay. Tumawid ako sa kalsada at tinungo ang bahay nina Mang Logan. May anak rin siyang lalake at Kaibigan ko rin. Minsan na lang kami magkita dahil school days. 2 years agwat namin kaya di kami magkabatch. Pagdating ko sa bahay ninnina Mang Logan ay naabutan ko silang nagkukwentuhan. Napansin naman ako ng barkada ni Tatay at ipinaalam niya ito sa kanya. Lumapit ako at sinabihan si Tatay na kakain na. Sinabihan niya ako na susunod na lang siya.

Nauna akong umuwi dahil gutom na gutom na ako. Lakad takbo ang ginawa ko. Pagdating sa bahay ay lumamon na ako at bumalik sa kwarto ko para maglaro. Sana wala na yung tatlong Area Boss.

"Satus Ludum."

*****
Ayan na siya. Chappie down.

Comment what you thing about the Chapter. Ehehehe..

Please Support.

Novae Terrae OnlineWhere stories live. Discover now