11: Massive Update

439 35 3
                                    

Ugh!! Anong ngyari?? Takte!! Forced Log-out. Pwede ka bang mahimatay inside the game?? Anong oras na ba??

Tinignan ko ang orasan at nakitang 5:30 pa lang ng umaga. Umidlip muna ako sandali para magpahinga.

Nagising ako ng mga 8:45. Nagmorning routine muna ako bago bumaba. May nakahanda ng pagkain sa mesa kaya kumain na ako. Hindi ko naman nakita si Nanay. Baka naglalaba.

Umakyat na ako sa kwarto ko at sinuot ang head gear.

"Satus Ludum."

[Error!! You can't log-in for now. Novae Terrae is having a Massive Update. This update will take three months. We suggest that you need to keep your head gear and console. Also please bring your console at any computer or gaming shop after three months to receive the update card. Thank you for understanding.]

Anooooooooo????!!! Massive Update??!! Three Months??!!! You've gotta be kidding me!! Inilagay ko muna ang head gear sa kama ko at bumaba. Lumabas ako ng bahay at nagdali daling pumunta sa Game Shop ni Tiyo Andres. Walang katok-katok ay pumasok na ako. May mga kostumer akong nakikita na naglalaro ng League of Legends, gusto ko sanang manood muna pero nagmamadali akong malaman kung ano ang Update na ito na magtatagal ng tatlong buwan.

Pumasok ako sa opisina ni Tiyo Andres at nakita ko siyang umiinom ng kape habang nanonood ng Anime. Di pa ba to nagsasawang manood ng Anime?? Ugh!!

"Oh Chad!! Naparito ka??" - tanong niya ng makita ako.

"Tiyo!! Alam mo ba ang Update tungkol sa NTO??" - agad kong tanong sa kanya.

"Di pa eh! Tignan mo na lang sa Official Site ng NTO!! Teka?? Naglalaro ka??" - tanong niya.

Tumango ako at lumabas na! Nag-open ako ng isang PC. Di ko na kailangan mag bayad dahil may remaining time pa ako na hindi ko pa nagagamit dahil sa kakalaro ng NTO.

Ng mag-open na ang PC, pumunta ako sa Chrome at tinype ang http://www.novaeterraeonlineofficial.com. Di ko na kailangang maghintay na magload dahil sa pag-enter ko lamang ay diyan na agad. 6G na kasi ang signal sa panahon ngayon. Kahit nga sa kasuloksulokan ka ng bansang to malakas pa rin signal mo.

Nag-scroll down ako at hinanap ko ang post about the Three Months Update ng NTO. Di naman ako natagalan dahil Top Post ito ng site. Inopen ko siya at binasa.

Good Day folks!! Are you all shock about the Three Months Update?? Well, what about this update that will take three months in order to finish. Here's the things you'll expect when the massive update finishes.

Novae Terrae OnlineWhere stories live. Discover now