8: Mysterious Player/Best Friend's Date

463 39 2
                                    

"Riiiiiiiiiiing!!!!" - ugh!! Nabato ko ng wala sa oras ang una kong nahawakan. At unfortunately, ang head gear yun. Potek!! Buti sa labahan ko nahagis at hindi sa pader. Kung sa pader yun, hay na lang. Di na ako siguro makakapaglaro ng NTO.

Tumayo na ako at ginawa ang dapat kong gawin. Tinignan ko kung anong oras na at di na ako nagtaka kung bakit medyo antok pa ako. 7:30 pa lang at 3:15 ako natulog kanina. Haaaay naku. Bumaba na ako sa kwarto ko at nakita ko si Nanay na naghahanda ng almusal. Nakita ko rin si Tatay na nagbabasa ng Dyaryo habang umiinom ng kape niya. Typical Morning Scene. Dumeretso na ako sa aking upuan.

"Magandang Umaga Nay, Tay."-sabi ko sabay ub-ob sa mesa. Gusto kong matulog ulit.

"Magandang Umaga rin anak, kumain ka na. Kakatapos ko lang magluto ng almusal niyo. Alam kung gusto mo yan."-sabi ni Nanay sabay lapag ng linuto niya. Pritong Itlog at Tinapay. Typical Breakfast Food yet that's my fav. Linamon ko na ang nakahanda at bumalik sa kwarto ko at naligo. May pupuntahan kasi kami ni Rafty ngayon. May plano kasi kaming mag post-celebration dahil graduate na kami.

Pagkatapos kong maligo at magbihis, nagpaalam ako kina nanay na aalis muna ako. Di ko na sila hinayaang tumugon at lumabas na ako ng bahay namin. Naglakad ako papuntang bahay nina Rafty at nakita ko naman siya na hinihintay ako. Ng makita niya ako ay ngumiti siya at kumaway sakin. Kumaway na lang ako pabalik at binilisan ang paglakad papunta sa kanya.

"Chad!! Akala ko di ka makakapunta."-sabi niya sa'kin ng makalapit na ako sa kanya.

"Ako pa ba. Napuyat lang ako kaya medyo late ako. Oh ano?? Tara na??"-sabi ko.

"Ah Chad.. Kasi... Gustong sumama ng pinsan ko. Nasabi ko sa kanya kagabi na may pupuntahan tayo ngayon. Yan na pala siya."-sabi niya at may lumabas na babae sa bahay nila. Siya ba pinsan niya?? Lumapit naman ito sa'min.

" Ah Chad si Courtney nga pala. Pinsan ko. Courtney si Chad. Best Friend ko."- pagpapakilala niya sa amin. Inilahad ko naman ang kamay ko.

"Chad Santos. Nice to meet you Courtney." - sabi ko in a nice and polite way.

"Courtney Lopez. And I dont want to shake hands with weak and poor people. Couz. Saan ba tayo pupunta??"- napayukom ako dahil sa sinabi niya. Maganda sana kaso kalahi ni Satanas dahil sa ugali.

" Pupunta kami sa Squatters Area. May reklamo ka." - ako na ang nagsabi sa kanya instead of Rafty dahil sa inis ko sa kanya. Mabait akong tao pero pag ako linait-lait, ang langit magiging impyerno.

"Excuse me! I'm not talking to you. Wag mo na kayang isama tong lalakeng to Rafty. Walang modo. Hindi rumerespeto sa nakakataas sa kanya." - Ang inis ko naging galit ng dahil sa kanya. Ang sarap ilampaso sa daan.

"Courtn---" - magsasalita na sana si Rafty pero napigilan ko ito.

"Respeto?? Ang dapat irespeto eh yung karapatdapat respetohin hindi yung mayaman nga ubod naman ng sama ang ugali. At sino bang sumingit na sasama?? Sa pagkakaalam ko, kami lang ni Rafty ang may pupuntahan ngayon. Tara na nga Rafty, hayaan mo yang Courtinang yan!!" - mabilis na akong naglakad at naramdaman ko na lang na sumunod si Rafty.

"ITS COURTNEY NOT COURTINA!!! ARRGHH!!" - Narinig kong sigaw niya. Buti nga sa kanya.

*****

"Sorry sa inasal ni Courtney kanina. Spoiled brat kasi."-paghihingi ng tawad ni Rafty.

"Ok lang. Napuno lang ako kanina kaya pinatulan ko."-sabi ko sa kanya. Ilang sandali dumating na ang inorder namin at nagsimula na kaming kumain.

"News Alert from NTO!! An unknown Area was found by an Unknown Solo Player. This area was said to have an Ancient Monster. The player has not come out yet that's why it still cant be explored. Other news was the world has received a Notification that a Certain Boss named Vawèr: The Vulpuus Guardian has been slain. This Vulpuus thing is still unknown and the Boss Vawèr was still not encountered by any player except this mysterious player who had slained it. Tune In from this Channel to have updates on what's happening on NTO."

Napatingin ako sa TV ng Fast Food Restaurant dahil sa narinig ko. Napatingin naman ako kay Rafty at nakita kong may inggit sa kanyang mga mata. Dont tell me....

"Rafty?? Okay ka lang??"-Tanong ko sa kanya. Umiling naman siya at kumagat sa burger niya.

"Sino kaya ang Mysterious Player na yan. Sana makasalubong ko siya sa NTO at mag 1V1 PVP kami. Mukhang nagpapasikat eh."- Sabi niya sabay kagat ulit ng burger niya. Di na lang ako umimik dahil ang hinahanap niya ay nasa harapan niya lang. Kumagat na lang ako sa aking Foot Long at uminom ng Coke.

"Bakit mo siya aayain mag PVP??" - tanong ko sa kanya. Napaigting ang kanyang bagang.

"Nakita ko kasi silang magkasama ni Trina sa game o Katrina sa totoong buhay. Alam mo namang may gusto ako kay Katrina. Nung makita ko sila, parang gusto konsiyang iPK."-sabi niya sakin sabay inom ng coke niya .

"Paano naman kung kilala mo siya??"-bigla kong tanong sa kanya. Napatingin naman siya sa'kin at napaisip. Inilapag niya ang kanyang coke sa mesa.

"Hmmmm. Di ko naisip yan. Siguro may eksplanasyon naman siya o di kaya tinutulongan niya lang yung lalake. Bakit Chad?? Kilala mo ba yung lalake?? Ikaw ba yun??"-sunod-sunod niyang tanong. Napako ako sa aking kinauupuan at biglang kinabahan.

"H-ha?? H-hindi ah."-nauutal kong sabi. Kumagat na lang ako sa Foot Long ko kahit kinakabahan na ako.

"Oo nga naman. Parang imposible namang ikaw yun. Di naman kita nakita o narinig na nagkukwento about sa NTO. Di mo naman hilig yun eh."- kung alam mo lang Rafty.

Matapos kaming kumain ay pumasyal kami sa malapit na Amusement Park. Para nga kaming nagdedate. At yung mga tao panay tingin sa'min. Natatawa na lang kaming dalawa kung may naririnig kaming nag-uusap tungkol sa amin.

Pagkatapos naming mamasyal ay umuwi na kami. Dumeretso naman ako sa aking kwarto ng makauwi na ako sa aming bahay at nagbihis. Naghalf-bath lang ako. Pagkatapos, humiga na ako at inayos ang Head Gear at Sinuot.

"Satus Ludum."

*****

Yaah. Naka-update ako today!! Hope ya like it.

Novae Terrae OnlineWhere stories live. Discover now